Kaibigan Lang

12 0 0
                                    

Mahal kita, alam mo ba yun?

Siguro hindi, kasi sya lang naman nakikita mo.

Lahat ng efforts ko,

Balewala basta magtext na sya

Oras nating dalawa ay nababawasan

Dati rati sabay tayong pumasok, umuwi, kumain

Ngunit ngayon, ako'y nakikihati

Di ba't sa akin ka naman umpisa pa lang?

O talagang tingin sa akin ay kaibigan?

Sige, tatanggapin ko

Ako'y palaging nariyan

Inaasikaso ang pagdedate nyo

Ako ang namimili ng lugar

Ultimo damit mo, maging ang iyong porma

Lahat ng sana'y detalye ng ating candle light dinner

Ayun, pinahanda ko para sa inyo

Ang saya diba?

Para akong tanga, o baka ikaw?

Pero, sige, ako na lang

Bakit ba kasi ako'y umaasa

Na balang araw, sya'y iyong makakalimutan

Na atensyon at pagmamahal maibibigay sa akin?

Gayung tingin mo sa akin, ay kaibigan lang.

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon