Sa isang paraiso ika'y nakita
Sa unang pagkakataon
Puso ko'y tumalon
Muntik na ngang lumabas
Buti at napigilan
Ako'y iyong nginitian
Ngiting kay ganda, mula sa puso at tunay talaga
Paa ko'y tila nalusaw
Pakpak ay biglang lumitaw
Tanging naririnig pagheleng kay ganda
Oras ay tila ba bumagal
Sa iyong paglapit ako'y nanginginig
Di maipaliwanag kabang aking nadarama
Bangong kay sarap sa pakiramdam
Buhok na tila ba sumasayaw
Kasabay ng alon sa dagat na asul
Ika'y malapit na
Ngiti ko'y di maitago
Sobrang kinikilig sa nilalang na gwapo
Ngiti kong kay tamis
Biglang naglaho
Nang ako'y lampasan
Ng lalaking sinisinta
Katagpo mo pala ay sya,
Sya na aking kapatid
O kay saklap, akala ko ako'y nginitian
Ngiting kay tamis
Para sa kapatid ko pala.
BINABASA MO ANG
Poems For The Heart
PoetryTula para sa mga broken. Joke lang. Random topics. May about love, friendship, heartbreaks and other interesting topics.