Ako'y iyong kaibigan, tanggap ko iyon
Kahit na sobra pa doon aking nararamdaman
Lahat ng utos aking sinusunod
Walang kinakalimutan, walang kinakaligtaan
Ako'y inalila ngunit balewala
Mahal kita, kaya ika'y pagsisilbihan
Natutuwa ako dahil ako'y nakakalapit sayo
Mga babae sa paligid di makalapit
Masungit ka daw kasi
Pero mahal nga kasi kita kaya tiis ganda ako
Isang araw sa bahay mo'y dumalaw
Babaeng kay ganda aking nadatnan
Sa iyong kwarto ay nakahiga
Tanging kumot lamang ang nakayakap
Dugo ko tila ba natuyo
Nanginig ang tuhod, bakit ngayon pa?
Diba kahapon lang ika'y nagtapat,
"Mahal kita" yan ang iyong sinabi
Di ako pwedeng magkamali
Natatandaan ko, 3:57 noon
Oo, ganyan kita kamahal
Tinandaan ko ang lahat sa pag-aakalang ako'y seseryosohin
Paningin ay nanlalabo
Luha ay nagbabadya
Lumabas ka mula sa banyo
Bakit imbis na gulat ang mabasa sa iyong muka
Pagkainis ang tanging nakasulat
Nagpaliwanag ka sa kanya, "Babe, katulong ko"
Sabay tingin mo sa akin
Gago ka pala e
Nakakatawa ka naman
Bading! Bakla!
Tss! Di ganyan ang lalaki
Wala kang paninindigan
Wala kang kwenta
Katulong pala ah?
"Sir kukunin ko lang po yung bedsheet na ginamit nyo ni Maam Carly kagabi" imbento ko
Nagulat ka? Haha. Ako din e.
Masama kasi akong lokohin
Ayan, nakarma ka tuloy
Nasampal ng kaliwa't kanan ng babaeng kanina lang ay nakahiga
Walang saplot at naghihintay sayo
Ngayon nakalabas na ng bahay
Wala ka ng girlfriend, wala ka na ring katulong
Dapat lang. Playboy.
BINABASA MO ANG
Poems For The Heart
PoetryTula para sa mga broken. Joke lang. Random topics. May about love, friendship, heartbreaks and other interesting topics.