Sya o Ikaw?

6 0 0
                                    

Kaibigan, taong maaasahan

Kasama sa kalokohan at kasiyahan

Sa hignapis at lungkot ay di ka iiwan

Karamay sa lahat ng pagkakataon

Kumulog man o kumidlat.

Ngunit totoong kaibigan mayroon ka ba?

Taong karamay nasa tabi mo ba?

Silang malapit sa iyo,

Katapatan ay iyo din ba?

Mga kaibigan mo ngayon panghabambuhay ba?

Madaming tao ang sa ating buhay ay dadating,

Magiging kaibigan, kaaway o estranghero

Sa patuloy nating paglalakbay,

Dapat nating pakatandaan

Dating kaibigan ay panatilihin

Tanggapin kung may bagong nakilala

Ngunit kaibigan wag apihin,

Sasabihing sila'y nang-iwan

Sa ganyang pananalita

Mahihinuha kung sino nga bang nang-iwan

Sya na nadagdagan ang kaibigan

O ikaw na nanira dala ng inggit at kakitidan

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon