Pafall Ka?

26 0 0
                                    

Apat na sulok ng silid

Saksi sa ating pagmamahalan

De, joke lang

Pagmamahalan bang masasabi

Kung pagtingin sakin ay nililihim?

Paano ko nga ba nasabi

Ah! Kasi naman ikaw

Walang mintis sa pagpapakilig

Text mo sa umaga buhat ay ngiti

Sa paggising hanggang pagtulog

Tayo'y magkausap

Sa agahan, tanghalian at hapunan

Di nakakalimutang ako'y ayain

Oh, diba ang sweet

Sabi din nila chemistry ay meron tayo

Ramdam ko naman yun

One time nga nagkadikit ating kamay

Woah! Ang lakas ng spark

Yiehie, kilig na yan

Sa ganda ko ba namang to

Swerte mo may gusto din ako

Kaso naman, bakit nauso ang...

T-O-R-P-E. Torpe. Torpe.

Asar naman oh.

Amin ka na dali,

Di ka naman marereject e

Ikaw pa na wagas magpakilig

Bayad ko na matamis kong "OO"

Pero grabe ha, mahirap

Ang hirap manghula

Sa akin nga ba ay may pagtingin

O sadyang pafall ka rin?

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon