I Exist

15 0 0
                                    

Tuwang tuwa, galak na galak

Aking pangalan iyo nang alam

Ako'y kinikilig, ngiti ay di mapigilan

Sa isang saglit tayo'y naging close

Ewan kung paano, basta na lang nangyari

Ganun talaga siguro, tayo'y meant to be

Inaasar mo ako pagka't di tumatanggi

Nang iyong sabihing ako sayo ay may paghanga

Wew. Bakit ako tatanggi?

Pero di ko rin naman inamin

Sobrang saya ko nang mga oras na iyon

Pangalan ko ay paulit ulit mong binabanggit

Lalo akong nahuhulog

Sa bangin ng pag-ibig

Iyong munting halakhak

Kay sarap pakinggan

Matang kay amo sa akin di maialis

O bakit ka ganyan?

Pati sa aking panaginip

Di makalimutang dumalaw

Nagising ako na may ngiti sa mga labi

Wala pa rin palang nagbabago

Alam mo kaya na ako ay nag-eexist?

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon