Nakamaskara ay Kilatisin

7 0 0
                                    

Nakabubulag na kasinungalingan

Nakamamatay na kalapastanganan

Mga taong kalat sa lansangan

Kilala mo ba ang dapat pakisamahan?

May mabait, may masama

May tapat na tunay, mayroon ding traydor ng talaga

Mga nakamaskara ay alam ba?

Maskarang nagtatago ng kapangitan

Hindi ng anyo, ngunit ng kalooban

Mga mapagpanggap na ahas

Mga traydor na kasamahan

Sino ang dapat pakisamahan?

Bawat isa ay kilalanin

Upang panlilinlang ay maiwasan

Mga sya ngang tapat at mabait

Alamin at kilalanin

Pahalagahan at mahalin

Habang sa iyo ay malapit pa

Huwag basta magpaloko

Huwag magpadikta

Yaong mga nagdidikta

Mga maskara ay patong patong

Paiba iba ng ugali

Di malaman ang totoo

Katawan ay puno ng kasinungalingan, pagpapanggap at kasakiman

Ngunit sa pagkilatis ating paghusayan

Upang puso ay malayo sa tiyak na kasawian.

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon