Mahal kita, mahal mo sya
Tanggap ko naman
Oras mo'y palaging sa kanya
Ako'y nakikita kapag magpapatulong sa kanya
Tila ba naging tulay
Sa pagmamahalan nyong dalawa
Sa bawat segundo na iyong nilalaan
Sa kanya na iyong mahal
Ay katumbas ng mga luhang
Nag-uunahan sa pagbaba
Pero dahil nga mahal kita
Kaunting oras sa pagpapatulong mo
Sa akin ay sapat na
Sa iyong paglapit
Alam kong ika'y may problema
Kayo ay nagkakalabuan
O di kaya ay nagkatampuhan
Handa akong ayusin
Dahil alam kong doon ka sasaya
Lahat aking ginagawa
Wag ka lamang malungkot
Kasi ang kapalit nito
Ay ang aking kaligayahan
Tutulungan ko kayo
Sa abot ng makakaya
Sa kaunting panahon
Na ako'y narito pa
Ngunit nais ko lang na iyong malaman
Mahal kita ng sobra
Sa aking huling hininga
Sapat na sa akin na iyong malaman
Ang tunay na nararamdaman
Para sa iyo kaibigan
Hindi magtatagal, ako'y lilisan
Sakit na cancer di ko kayang labanan
Maging masaya sana kayo
Wag kayong mag-aaway
Pagkat ako'y masasaktan bilang iyong kaibigan
At nagmamahal na tunay
Palagi kayong babantayan mula sa itaas
Maraming salamat sa oras na ika'y nakasama
Kahit limos na sandali
Ako'y masaya na
Sapagkat ika'y nakasama
At saloobin ko'y nalaman
Kahit sa huling sandali
BINABASA MO ANG
Poems For The Heart
PuisiTula para sa mga broken. Joke lang. Random topics. May about love, friendship, heartbreaks and other interesting topics.