Kahapon sabi mo ako'y iyong mahal
Tuwang tuwa, galak na galak
Sa unang pagkakataon, nasabihang maganda
Nalaman kong may nagmamahal sa akin
Pagmamahal na ni minsan di ko nadama
Walang kinagisnang magulang
Walang kinalakihang pamilya
Buong buhay ko, ako'y uhaw sa pagmamahal
Sabik sa kalinga at alaga
Ngayong ika'y dumating buhay ko'y nagkakulay
Lahat aking ginawa
Wag ka lamang magsawa
Lahat aking binigay
Sa pag-aakalang ika'y di mawawala
Dumalang ang araw ng iyong pagdalaw
Sa munti kong tahanan
Na sadyang akin lamang
Sa bawat sulok nito,
Puno ng hinagpis at lungkot
Minsang ikaw ay dumalaw
Tuwa ko'y walang pagsidlan
Nagsalita ka ng may tonong nakakaloko
Sinabi mong ika'y nagpapasalamat
Dahil ako ay nagamit sa munting paglalaro
Lahat ng pinagsamahan
Sa aking utak ay naglaro
Mga kasweetan mo na sobra pa sa sobra
Isang laro lamang pala
Kung ako sana ay may ina at ama
Mangyayari kaya ito?
Mabubuntis kaya ako ng ganito kaaga?
Sirang sira na ang buhay ko
Walang nagmamahal, walang makakapitan
Ako'y pagod na, nawawalan ng pag-asa
Sa munting panahon ng iyong paglalaro
Ako'y totoo, lahat ng ipinakita mula sa puso
Ngunit buhay ko'y itutuwid
Para sa aking dinadala, munting anghel na bunga ng aking pagmamahal
One sided nga siguro
Pero wala akong pinagsisisihan
Dahil ang batang nasa sinapupunan
Paniguradong ako'y mamahalin
Napatawad ko na sila, ganun ako magmahal
Isawalang bahala mo, panigurado ikaw din ang mawawalan.
BINABASA MO ANG
Poems For The Heart
PoetryTula para sa mga broken. Joke lang. Random topics. May about love, friendship, heartbreaks and other interesting topics.