Sa Wakas

14 0 0
                                    

Minsan ako'y nangarap

Ako'y iyong makita, mapansin, makausap

Panahon ay lumilipas,

Oras ay lumilipad

Ni sulyap o lingon mula sa bintana

Bakit tila pinagdadamutan ng tadhana

Kawalan ng pag-asa aking nadama

Utak ko'y pilit bumibitaw,

Ngunit puso'y pilit lumalaban

Isang araw sa aking paglalakad

May gumulong na bola,

Yumuko ako't pinulot

Pag tunghay aking nakita

Kay gwapong nilalang

Malambot na labi abot langit ang ngiti

Ilong na matangos, mapuputing ngipin

Matang kay pungay sakin ay nakatingin

Nakalahad ang kamay

Puso ko'y tumalon,

Kamay ay kusang gumalaw,

Iniligay sa kamay mong kay lambot na tunay

Bigla kang tumawa sabay sabing "Miss, yung bola."

Ako'y namula, napahiyang tunay

Sabay bawi ng kamay at abot ng bola

Sabi mo naman, "Salamat. Jacob nga pala. Ikaw?"

Di makasagot, ako'y naluha

De joke, exajj lang

Pero sa wakas, munting pangarap abot kamay ko na.

---

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon