Pwede Bang Kiligin?

18 0 0
                                    

Nakaraan natin ay di kaaya-aya

May panahong ika'y lumayo, umiwas

Ako'y nasaktan, pero walang magawa

Sino nga ba ako para ika'y pigilan

Pero lahat ng ito sa nakaraan akin nang iiwan

Sa kaunting oras na laan

Damdamin ko ay gumagaan

Masaya ako, kinikilig pa nga

Sa kwento mo ako'y napatutunganga

Sabi pa ng aking kaibigan

Ang sweet daw nating tingnan

O, kitams, pati sila nakikita ating spark

Mabait ka, matalino, maitsura

All in one, package kumbaga

Sana nakaraan ay wag nang maulit

Sa kilos mong matipuno at makwela

Pwede bang kahit sandali

Ako'y kiligin?

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon