Pagmamahalan o Pagkakaibigan

11 0 0
                                    

Sa iyong kasweetan ako'y natutuwa

Sa bawat araw na nagdadaan

Ako'y di nakakalimutang

Pangitiin at patawanin

Nariyang bigla kang lalapit

At ako'y iyong kakausapin

Random topics, random questions

Wala lang, may maitopic lang

May isang beses pa nga

Biglang kang umakbay

Tapos ngumiti ng pagkatamis tamis

Nanginig aking tuhod

Ngunit pagkakilig aking pinipigilan

Ayokong maulit ang ating nakaraan

Tanda ko pa noon

Ika'y umiwas, bakit?

Ang rason pala'y hindi mo nagustuhan

Balitang iyong narinig

Ako daw ay may lihim na pagtingin

Sa iyo aking kaibigan.

Noong mga panahong iyon

Ako'y binalot ng lungkot

Bakit ka naniwala?

Wala bang halaga ating pinagsamahan?

Dahil lang sa tsismis na iyon

Ika'y lumisan

Paano kung totoo?

Tayo pa kaya ay magkakaayos?

Nagkaron ako ng pagtingin

Pero di ko inamin

Kung inamin ko ba ako'y papansinin pa rin?

Nabalitaan kong ikaw ngayon

Ay may pagtingin sa akin

Ayaw kong maniwala.

Sa iyong pinakikita

Kilig ay aking pinipigilan

Oo, may namumuo ng pagtingin

Ngunit ating pagkakaibigan

Mas mahalaga para sa akin.

Poems For The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon