Alam Mo Ba?

18 0 0
                                        

Tayo'y magkaibigang lubos at tunay

Sa umpisa pa lamang ng kwento

Ang akin ay iyo, ang iyo ay akin

Lahat ng bagay pinaghahatian

Lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan

Ngunit bakit tila ihip ng hangin ay nagbago

Ika'y unti unting lumayo

Di ka na makausap

Bakit ika'y umiiwas

Kasabay ng pag-iwas ng mahal ko sa akin

Kayo ba'y may ginawa?

Ako ba'y niloloko?

Sabihin mo sa akin, kailan pa?

Hanggang kumalat ang balita

Buntis ka na, ama ay kilala

Kilalang kilala ko

Mundo ko ay gumuho

Puso ko ay nadurog

Bakit sa dinami rami ng lalaki, sya pa?

Bakit pati sa mamahalin kailangan mong makihati?

Di pa ba sapat ang kayamanan?

Tinanggap ka ng pamilya ko ng ika'y nawalan

Ngunit bakit ako'y inyong niloko?

Inabuso aking kabaitan

Pakikihati ay sumobra

Konsensya ba ay meron ka?

Salitang hiya ay alam mo ba?

Poems For The HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon