Escape
Lumabas ako ng kwarto na ang tanging suot ay ang damit na pang hospital. Inilibot ko ang paningin sa paligid na walang tao at tahimik lamang. Sinimulan ko naman ang paglalakad palayo. Gusto ko lang magpahangin kaya balak kung mag tungo sa rooftop ng hospital.
May dalawang babaeng nurse ang lumabas sa isang kwarto sa aking unahan.. hindi naman ako napansin ng mga ito at nag kwentuhan pa. Nagulat na lang ako ng marinig ang pinag uusapan nila.
"Alam mo ba yung babaeng nagwala kanina.. yung 2 years sa coma" sabi ng nurse na maliit.
Dahan dahan ako sa pag sunod sa kanila para marinig ang sinasabe nila. Nakatalikod ang mga ito kaya hindi kita ang itsyura nila.
"Ay oo.. yung palaging binibisita ni Doc. Sebastian." Pag sangayon naman ng kasama nito na mataba. "Bakit? "
"Feeling ko mayaman ang isang yun. Yung mga mata nya na parang sa mga Americano tapos ang puti puti pa..makinis ang balat at ang lambot lambot ng mga kamay.. mukha talaga syang mayaman ee " sabi ng maliit.
Hinawakan ko naman ang balat ko at hinagod para makumpirma ang sinasabi ng nurse. Dinama ko rin ang palad ko na tunay ngang kay lambot nito. Tama nga sya.
"Oo nga ee.. ang ganda ganda pa niya." Sabi ng mataba. " Hala. Natutumboy na yata ako. Yaney "
"Kaya siguro na in love si Doc. Sebastian don kahit na natutulog lang iyon. Ano? "
Ano? Si Sebastian may gusto sa akin. Impossible. Ang gwapong si Sebastian Achilles Sandoval mag kakagusto sa akin. Kalukuhan.
Para sa akin ay isa siyang pader na kay hirap abutin at akyatin dahil sa kay tayog nito. At isa lang akung hamak na basang sisiw sa kanya.. sisiw na nawalan ng pamilya at alala. Hindi ko na lang ito bibigyan ng pansin sigurado naman akung gawa gawa lang iyon ng dalawa.
Huminto ako sa pag sunod sa dalwa dahil hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko at baka dito pa ako tamaan ng sakit ng ulo. Dumiritsyo na lang ako sa elevator at pinindot ang pinaka huling palapag.
Sumabog ang buhok ko sa aking mukha paghakbang ko sa entrance ng rooftop. Madilim sa buong bahagi nito tanging ang ilaw lamang sa pintuan ang nagbibigay kunting liwanag. Tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Nakaka relax ang lugar na ito.
Lumapit ako sa railings ng rooftop at pinag masdan ang ibat ibang ilaw na nag mumula sa buong bayan. Nang makuntento ako sa tanawin ay umupo ako sa isang upuang mahaba na gawa sa semento.
Marami akung gusto malaman pero alam ko rin naman na ako rin mismo ang makakasagot sa lahat ng tanong na iyon pag dating ng panahon. Siguro ay mag iisang oras na akung nakaupo sa upuang semento. Wala naman akung balak na dito matulog. Gusto ko lang takasan ang kalagayan ko kahit na ngayun lang.
Gusto ko lang huminga ng walang iniisip. Nais ko lang manatili pa rito kahit ng ilang oras pa dahil sa kapayapaang dulot nito sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko para madama ang katahimikan ng paligid.
Isang malakas na kalabog mula sa pinto ang nagpamulat sa mga nakapikit kung mata. Nang sinulyapan ko ito ay hindi ko maaninag ang mukha dahil sa ilaw mula sa pinto pero ng naka pag adjust ang mata ko sa liwanag ay agad kumalabog ang dibdib ko ng makita ang titig ni Sebastian.
Humahangos ito ng Lumapit siya sa akin. Kitang kita ko ang takot sa kanyang mukha at madiing naka tiim bagang ang kanyang panga.
Anong ginagaw nya rito? At bakit sya hinihingal? May nangyari kaya? Sunod sunod kung tanong sa aking utak. Pero kahit na ganon ay hindi pa rin ako nag salita. Nakipag titigan lamang ako sa kayna.
"Are you okay? " mahinahon ngunit bakas rito ang sobrang pag aalala.
Tumango ako sa tanong niya. Umupo siya sa aking tabi at ipinaharap niya ang katawan sa akin dahilan para mag tama ang aming mga binti.
"Please.. gusto ko marinig na ok ka lang " frustrated niyang sabi.
"Im ok , Sebastian " hinarap ko siya para mag tama ang aming paningin at para mapanag ang kanyang kaluoban.
"Fuck " mahinang mura niya. "Wag na wag mo na ulit gagawin yun. Papatayin mo ako sa kaba" he said.
Mahinahon ang pagkakasabi niya ron pero bakas ang pagkadiin nito. Bakit ba sya nagagalit at bakit ko naman sya papatayin sa kaba. Crazy!!
Humalakhak ako kahit na kabadong kabado dahil sa presenya ng lalaki sa harap ko. "Don't worry ok. I promise, I won't do that again. Gusto ko lang mag pahangin dito."
"Kung ganon ay isama mo ako sa pagpapahangin mo para masamahan kita" angil niya " Hindi yung pag dating ko sa kwarto mo ay wala akung madadatnan " bakas parin ang galit doon.
Ano ba ang ikinagagalit niya. Nagpahangin lang naman ako diba. Masyado syang OA.
"Im sorry ok" I said
"At alam mo bang nalibot ko na ang buong hospital para lang mahanap ka. Dito ka lang pa-" hindi ko na sya pinatapos.
Bago pa sya matapos sa kakadaldal ay hinila ko ang ulo niya at dinampian ko siya ng isang halik. Gulat na gulat siya ng binitawan ko ang ulo niya. Pati ako ay gulat sa kinawa ko. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
Natahimik siya sa kanyang sinasabi. Tumayo ako para yayain siya sa pagbaba pero hindi siya umiimik kaya tinalikuran ko na sya at mag isang bumaba.
Lutang ang isip ko ng lumabas ako ng elevator. Nasa tamang palapag na ako. Hawak ko ang labi ko at pinaglalaruan ko ito habang nakahiga sa kama. Naalala ko ang expression ni Sebastian kanina. Gulat na gulat siya. At halatang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko sa kanya sana lang ay hindi siya magalit sa akin dahil sa ginawa ko.
Maghahanda na lang ako para harapin siya bukas kung sakaling dalawin niya ako rito. I wish I could escape from him tomorrow.
__________________
Short update!!
Sorry sa mga nag expect sa pov ni Sebastian. Napag isip isip ko kasi na masisira ang kwento kapag binigyan ko sya ng kahit isang pov kaya hindi ko na lang tinuloy.
Other story:
Just A Boy:Villa Fuego
(Orphan Girl #1)#Eadrixxx
YOU ARE READING
Numb And Cold
RomanceThis is my first story so understand my wrong grammar and so on.. Sana po magustuhan nyo.. salamat!!