Part 8

3.5K 52 0
                                    

With him

Ala una ng hapon ay may nurse na nag bigay sa akin ng isang paper bag. Isang plural dress at pares ng underwear ang laman nito. Ayus pala ang hospital na ito ee may free na damit. Yun ang akala ko.

"Pinapabigay po ni Doc. Sebastian " abot ng nurse na nakangisi ng lumabas sa aking kwarto.

Nagulat ako duon dahil ang buong akala ko ay galing iyon mismo sa hospital, kay Sebastian pala. At ang walang hiyang nurse kaya pala nakangisi ang isang yon. Ano ba ang alam ng mga nurse dito. Tsk!!

Pumasok ako sa cr para makapag bihis ng damit na bigay ni Sebastian. Thanks to him. Matagal ko na gusto mag palit ng normal na damit pero wala naman akung damit na dala. Umikot ikot pa ako dahil sa galak. Pag tingin ko sa ilalim ng kama ay may nakita akung kahon ng sapatos. Kinuha ko ito. Sa tingin ko naman para sa akin ang hills na ito ee. Black pointed hills ang laman ng kahon.

Kung sino man ang bumili nito ay magaling siya pumili at tamang tama sa akin ng isinukat ko ito. Pakiramdam ko ay sanay na ako sa ganitong ayos. Nag lakad ako pabalik balik. I really like the stiletto.

Halos matumba ako sa pag lalakad ng bumukas ang pinto at iniluwa si Sebastian. Pumikit ako at nag antay na bumagsak sa sahig. Imbis na sakit ang maramdam ay ang mainit na palad sa baywang ang naramdaman ko. Dahan dahan kung iminulat ang aking mga mata. Titig ang mga mata niyang sumisigaw ng galit. Nagpapalipat lipat ito sa aking mata at labi.

Hindi ko na hinintay na itayo niya ako.. ako na mismo ang tumayo ang kabadong kabado na ako sa intensidan na naibibigay ng mga titig niya sa akin.

Umayos din siya ng tayo. Nakita ko ang pag pasada niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nag diin ang kanyang panga bago umiwas ng tingin.

"Let's go " he said.

Hinintay niya ang pag galaw ko pero dahil sa gulat ko sa tanong niya ay hindi ako agad naka react.

"Huh? San tayo pupunta " tanong ko sa kanya.

"You'll out today, remember? "Tanong niya habang nakataas ang kilay.

Ow. I almost forgot!

"You coming? " nag tataka kung tanong.

Kung madidischarge na ako bakit sasama sya. Ang pag kaka alam ko ay doctor sya rito hindi pasyente.

"Uh-huh" tanging sagog niya.

Halos pag tinginan kami ng lahat habang palabas ng hospital. Gusto ko na takpan ang mukha ko dahil paniguradong kasing pula na ito ng kamatis.

Guess why?

Naglalakad lang naman kami. Take note habang nakahawak sya sa baywang ko. Baka daw kasi matapilok ako or something. Can you believe it?

Seriously, I like it. But it's embarrassing. Baka mas lalo pa ako madapa dahil sa hawak niya. His touch was soft and gentle. It gives me a hundred of emotion I don't even know. Pero bakit sa kanya parang wala lang. Maybe ,it's just me.

Napatigil kami sa pag lalakad ng makatungtung kami sa labas ng hospital.  Malilim ang paligid dahil sa nag tatayugang mga puno. Nahilerang mga halaman na nagmistulang bantay sa daan. Parang nasa fairy tail.

Hindi ko mahulaan kung saan patungo ang sasakyan ni Sebastian. Walang makikitang kabahayan tanging mga nagtatayugang mga puno lamang. Pati ang direksyon ay parang nag roller coaster.. pababa.. pataas.. pababa nanaman.. tapos liko dito liko don. Paulig ulig lang na ganon.

Asan ba kami at bakit parang nasa bundok ang hospital na yun? Tanong ko sa isip ko.

Isang liko ang ginawa niya ay kita na ang bukana palabas. Pag kalabas namin sa kakahuyan ay may isang bus stop  ron. Sumulyap siya sa akin bago dahan dahan niyang hininto ang kanyang pic up sa tapat ng bus stop.

Sumakit ang puso ko. Alam ko kung ano ang pinapahiwatig niya umasa lang ako na dadalhin niya ako sa bahay niya. Alam ko naman na isang katangahan iyon pero umasa parin ako.

Bumaba siya. Nanatili ako sa luob ng kanyang sasakyan. Umikot siya at pinag buksan ako ng pinto. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Akala nya pa tuloy nagpapabukas ako ng pinto.

"Uh. Sorry ..nakakahiya tuloy pinagbuksan mo pa ako" iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Narinig ko ang ilang mura niya na halos pabulong. Galit nanamansya. Ang tanga tanga ko kasi ee.

"Fuck. Balakin mo man o hindi gagawin at gagawin ko yun para sayo." He said.

Tumango na lang ako bilang sagog. Ibig sabihin gagawin nya talaga yun. Kaya pala ang bilis nyang umikot. Sa pag baba ko sa kanyang pic up ay inalalayan nya pa rin ako.

"Thanks. Hindi mo naman kailangang alalayan ako ee. Kaya ko na. " Umupo ako sa bench ng waiting sheds at tumabi siya sa akin.

"I insist, don't worry " simple niyang sagot.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kung pweding makitira. Nakakahiya nga lang dahil mukhang sagad na iyon sa buto kapag yun ang hiniling ko.

Natahimik ang buong paligid. Kahit anong uri ng sasakyan ay walang dumaan. Tanging ang puso kung nagwawala ang syang maingay sa lugar. Bakit ba tuwing kasama ko si Sebastian ay lagi nag wawala itong dibdib ko.

"Stay with me "halos hindi ko marinig ang sinabe niya. Tiningnan ko siya ganon parin sa ayos niya. Naka upo at diretsyo lang ang tingin sa kalsada.  "Please, stay with me "

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto niya akong manatili sa tabi niya. Nagdiwang ang halos kalahati ng puso ko. Ang kabilang parte naman ay blanko lang.

"Bakit? " tanong ko sa kanya. Para sa akin maraming ibig sabihin ng bakit na iyon at maraming tanong na bakit nag sisimula.

Bakas sa mga mata niya ang matinding pagsusumamo. Mabilis din ang pagbaba at taas ng kanyang dibdib.

He suddenly hug me tight. "Just stay with me until your memories back "

Tumango ako sa hiling niya. Ang hiling niya ay ang syang hiling ko sa kanya. Isa lang ang gusto ko sa ngayun..ang manatili sa tabi niya. I want him to be part of my life and memory.

Alam ko na mali ito na mag mumukha lang akong mang gagamit ay wala akung pake. Ang gusto ko lang ay pagbigyan ang hiling ng puso ko at ang hiling ng taong sumagip sa bubay ko.

Sebastian is part of my memory now. And I will start my life again for the second chance with him.

Numb And ColdWhere stories live. Discover now