Part 6

4.1K 45 0
                                    

Pain

Hindi ako mapakali sa kama. Gulong dito gulong duon. Ilang buwan na ang nakalipas ng magising ako sa pag ka coma. Nangangati na kasi buo kung katawan. Hindi pa daw kasi pwede maligo ee..  Fuck!!

Bullshit!! Kung dalawang taon ako rito nakahiga ibig sabihin two years din ako walang ligo ligo. My Gosh!!

Kamot dito kamot don. Ikot dito ikot don. Napatigil lang ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sebastian my doctor.

Napa upo ako ng maayos. Sinuklay ko naman ang buhok kung sabog sabog na kanina pa. Ang lagkit pa nga ee.. yuckk!!

"What are you doing? " tanong niya.

Sumulyap ako sa kanya at hindi naman nakatakas ang multo ng ngiti sa kanyang labi bago ito nawala. I awkwardly smile too.

"I feel dirty and wanted to wash my whole body.. You know cleanliness is the best after all " tumikhim ako para maitago ang hiya at kaba. "You, what are you doing here? May mga test nanaman bang kailangang isagawa? "

Hindi nakatakas sa mukha ko ang inis. Ilang beses na akung paulit ulit kinukuhaan ng test.. malay ko kung para saan hindi naman nila pinapaalam sa akin. Tsk!!

"Wala naman" humalakhak siya.

Lumapit siya sa kama at umupo siya sa bandang paanan. Nahiya naman ako. Malay ko ba kung mabaho na pala ako diba.

Ang gwapo niya!!  Bagay na bagay sa kanya ang pagiging isang doctor. Nakayuko siya at hindi bagay sa kanya ang ayus na yun. Dapat sa kanya  taas nuo para perfect.

"Ahm. Okay!! Thanks by the way.. you know ..for everything" ako na ang unang bumasag sa aming katahimikan.

Gusto ko sana pag usapan ang tungkol sa mga bills pero nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko iyon mababayaran wala akung pera. Wala nga ako maalala di mas lalo ang pera.

"Trabaho ko iyon. But it's my pleasure to!!" He said.

Nahiya naman ako. Mas lalo ko tuloy syang hinahangaan.

"Ahm. Kailan pala ako pweding umuwi na " tanong ko. Kahit na wala naman akung alam na bahay na pupuntahan.

Kung mag palaboy laboy man ako rito okay lang. Susubukan ko na lang mag hanap ng trabaho kahit mahirapan man ako. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang mga panga. Nakatitig siya sa akin ng tumingin ako sa kanya.

"Tomorrow " mariin niyang sagot.

"About sa mga bills ak-" hindi niya ako pinatapos at sumabat na siya.

"Hindi mo na kailangan pang mag alala don. May hindi kilalang tao na pasekretong nagbayad ng lahat ng mga bills mo. " mas umigting ang mga panga niya at dumilim ang ekspresyon niya.

Nagulat ako at hindi nakapag salita sa sinabe niya. Maraming tanong ang kumawala sa utak ko. Kamag anak ko ba sya? Bakit nya ginawa yon? Bakit hindi man lang nya ako pinuntahan? Sino sya?

Lumikot ang mga mata ko. Bumilis ang pag hinga ko at halos hindi ako makahinga ng maayos. Bumuhos ang mga luha ko ng hindi inaasahan.

"Hey are you ok" dinaluhan ako ni Sebastian.

Hinahawakan niya ang mga kamay ko pero sinasapak ko lamang ito para mapalayo sa akin. Mas lumakas pa ang mga paghikbi ko.

Napahawak ako sa ulo ko ng may lumabas na mga imahe at boses ng mala demonyo. Pumikit ako ng madiim at halos sabunutan ko ang sarili ko.

Numb And ColdWhere stories live. Discover now