Part 11

3.1K 32 0
                                    

Market

Pagkatapos ng habulang naganap ay pumunta kami ni Sebastian sa palengke para mamili ng ilang kailangan namin sa kusina.

Paglabas ko pa lang sa pic up niya ay ang  maraming tao ang bumungad sa amin. Nakaalalay siya sa aking likod dahil sa madulas at basang daanan dahil sa mga tubig na binubuhos ng mga tindera.

Maalinsangan ang pumapalibot na amoy sa buong lugar. Marami rin ang makikitang paninda rito na hindi makikita ilang mall. Karamihan sa mga ito ay isda,gulay ,karne, at prutas, nakasingit din ang ilang nagtitinda ng mani at mga bibingka.

"Babe,doon tayo " turo ni Sebastian sa isang babaeng siguro ay kaedad ko lamang.

Lumapit kami sa isdang paninda ng babae. Hindi matanggal ang titig niya kay Sebastian na panay ang tanong sa babae kung magkano ang paninda nito.

Ngayun lang siguro nakakita ng gwapong katulad ni Sebastian na napadpad rito. Palagi naman kami nag go-grocery ni Sebastian pero sa mall ngayun lang talaga kami napadpad dito. Hindi nga bagay sa kanya ang mamili rito ee. Pinagtitinginan siya ng mga tao.

"Miss, magkano ito?  " sabay turo ni Sebastian sa bangus.

Panay ang pagpapacute ni ateng tindera kay Sebastian na mukhang natatawa na. Panay ang hawi nito sa buhok na takas. May  pa beautiful eyes pa si ate, bata lang te.

"Miss " pag ulit ni Sebastian.

"Ate magkano itong bangus? " ako na ang nagtanong dahil hindi na nakakatuwa at para makaalis na rin kami rito sa babaeng may sakit sa mata.

Sumulyap sa akin si ate at inirapan lang ako. Aba!  Palaban ang isang to. Dali dali namang lumapit sa kanya ang katabi niyang tindera na mukhang nanay niya. Mukha itong galit na dahil sa pinag gagawa ng anak.

"Ano ka ba naman Changie hindi na makakabinta kung lalandi ka lang" talak ng matanda.

"Eh, ang gwapo kasi ee " inipit pa niya ang boses niya para magtunog bata. What the!

Napangisi ako. Nagtatakang tingin ang ipinukol nila sa akin. Kapangalan nya kasi yung mga mumurahing damig ee.. changie..

"Ilang kilo ba sa iyo mam' sir.. " tanong ng matanda.

"Isa lang ho! Magkano ba?.. " tanong ni Sebastian sa tindera.

"120 isang kilo eho.." hindi pa nga sumasagot si Sebastian ng inabut na nang matandang tindera ang nakasupot na isda.

Binigyan siya ni Sebastian ng tamang bayad bago kami umalis duon. Nang makalayo kami ay lumingon ako sa may sakit sa mata na babae at nagulat ako ng nakasunod pa rin ang mata niya sa amin.

Halos hilahin ko na si Sebastian para lang mawala ang mata ng babae.

"Babe, sa gulayan tayo " si seb.

Pumunta kami sa gulayan at laking pasasalamat ko nang lalaki ang nagtitinda dahil hindi ko na kailangan pang makipagtarayan.

"Binibining maganda bili ka na " sabi ng tindiro sabay kindat pa nito sa akin.

Tumawa naman ako sa ginawa ng lalaki. Bigla ko namang naramdaman ang pag gapang ng mainit na kamay ni Sebastian sa aking baywang. Napatigil ako sa pagtawa. Matatalim na tingin ang sumalubong sa akin ng tignan ko siya.

Uminit ang pisngi ko ng makita ang mata ng lalaking tindero ay nasa kamay na ni Sebastian na nasa aking baywang.

"Ahm. " kunwari ay naubo ako. Bumalik ang atensyon ng tindero sa akin. "Magkano sa gulay.." tanong ko sa lalaki.

Kumuha si kami ng kalahating kilo bawat gulay na kinuha namin. Bungang ampalaya, sitaw, talong, beans, at kamatis.

Matapos ang pamimili namin ay bumalik na kami sa labasan.

"Shit.. " bulong niya.

Napalingon naman ako sa kanya dahil medyo nauuna ako sa paglalakad. Nag aalangan siya kung sasabihin nya ba o hindi sa akin.

"May nakalimutan ka ba.. " nasa tapat na kami ng pic up niya.

"Uh..yeah, I forgot the fruits " he said.

"Yun lang pala ee.. tara balik na tayo " yaya ko sa kanya.

"Babe, no need. Ako na lang ang babalik magpahinga ka na lang sa loob ng kotse " sabi niya sabay halik sa nuo ko.

Tinalikuran na niya ako para bumili ng prutas hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.

Pumasok ako sa loob ng itim na pic up niya pero hindi pa lang ako nakaayos ay may nakaagaw agad sa aking paningin. Sa bandang gilid ng palengke ay may mga bilihan ng damit.

Lumabas ako sa sasakyan at naglakad papunta sa damitan. Iba iba rin ang mga tinda dito may mga damit,sapatos, slipper, relo, at kung ano ano pa.

Lahat ng madadaanan ko ay humihinto ako para magtanong sa nagtitinda ng kung ano ano. Wala naman talaga ako balak na bumili ee gusto ko lang aliwin ang mga mata ko.

Lumapit ako sa may nagtitinda ng mga relo. May isang lalaki roon na nagtitingin tingin din katulad ko. Malaki ang kanyang pangangatawan at may katangkaran.

"Ate, pili ka na " sabi ng tindero.

Tuluyan na ako lumapit sa mga nakalatag na relo. Dinampot ko yung isang kulay itim na relo at tinitigan ko ito.

"Bibilihin mo ba,miss? " tanong nang lalaki sa gilid ko.

Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. Bigla ako nakaramdam ng pagpitik sa aking dibdib. Napatitig ako sa mukha niyang nakangiti sa akin. Parang may gusto siyang sabihin at gawin pero pinipigilan nya lang sarili niya.

"H-hindi n-naman.." nauutal ako ng sinagot ko siya.

Nanginginig ang kamay ko ng ilapag ko ang relo, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Iniwas ko ang mata ko sa kanya at naglakad na palayo. Hindi ko namalayan ang pagtakas ng luha sa aking mga mata. Nang malapit na ako sa sa kotse ay naaninag ko si Sebastian na naghihintay na sa akin.

Pinaalis ko ang mga luha sa aking mata at himinga ng malalim bago pumasok sa loob ng pic up.

"San ka galing? " salubong niya sa akin.

Pinilit kung ayusin ang aking sarili at buhayin ang aking diwa para hindi siya magtaka dahil wala ako maisasagot sa kanya kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko rin alam.

Anong meron sa lalaking yun at bakit ganito ako kaapektado.

"Sa may damitan lang. Lets go!" Sagot ko. Tumango lamang siya at dahan dahang umalis sa palenke.

Numb And ColdWhere stories live. Discover now