Chapter 1

20.8K 350 5
                                    


Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

PAGKATAPOS ng graduation ko ay pinapunta ako ni daddy sa Italy upang doon magpatayo ng sarili kong negosyo at dahil na rin sa kagustuhan ko na lumayo muna. Nagpatayo ako ng sarili kong restaurant at ako ang namamahala. Gusto kong kalimutan ang sakit. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isipan ko si Denzel.

Kumusta na kaya siya ngayon? May asawa na kaya siya? May mga anak na kaya siya? Siguro masaya na siya ngayon. Napatawad na niya kaya ako sa ginawa ko?

"Hoy, lumilipad na naman 'yang utak mo!" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Crystal.

Magkasama kami rito sa Italy. Si Dianne lang ang naiwan sa Pilipinas dahil hindi siya pinayagan ng magulang niya na pumunta sa ibang bansa. Si Crystal ang nagluluto sa Restaurant ko dahil masarap siyang magluto. Kaya kapag tapos na siya sa pagluluto ay rito siya tumatambay sa office ko.

"Sino ba 'yang iniisip mo, ha?" Tanong niya. Napahilamos nal ang ako ng mukha. Ilang taon na ako rito sa Italy pero hindi ko pa rin makalimutan iyon.

"W-wala. Nag-iisip lang ako ng bagong recipe na lulutuin mo." Palusot ko. Tiningnan niya ako na may pagdududa. Naniningkit pa ang mga mata niya na para bang binabasa ang iniisip ko.

"Seryoso? E kakasabi mo lang kahapon sa 'kin ng bagong recipe na lulutuin ko." Napabuntong hininga na lang ako. Leche! Akala ko makakalusot na ako.

"Parang alam ko na ang iniisip mo. Tungkol na naman 'yan sa nakaraan mo ano? Yung ginawa nating kalokohan dati kay Denzel? Hindi mo pa rin makalimutan?" Nanunukso niyang sabi. Napayuko na lang ako.

"My god, Zap! It's been five years. Hindi mo pa rin 'yon makalimutan?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Sa ginawa kong 'yon hindi ko makakalimutan 'yon. Alam ko nasaktan ko 'yong tao. At nakokonsensya ako sa ginawa kong 'yon.

Napatingin kami ni Crystal sa pinto nang may kumatok doon at pumasok ang isang tauhan ko.

"Ma'am, Mr. Nathan Gonzales is here. He wants to talk to you." Nagulat ako nang bigla siyang pumasok at nakangiti pa.

"Hello, beautiful." Nakangiti niyang sabi.

Si Nathan ay nanliligaw sa 'kin. Isa rin siyang Pilipino. Kaya siya narito sa Italy dahil meron siyang business dito. Nagkakilala kami rito rin sa Restaurant ko. Natapunan kasi siya ng isang tauhan ko ng juice kaya ako na ang humingi ng paumanhin sa kanya. Doon kami unang nagkakilala.

"Nathan! Ngayon ka lang ulit nagpakita. Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko.

"Bakit? Namiss mo ba ako?" Tanong niya.

"Syempre naman. Namiss ko ang pagka makulit mo." Sagot ko.

"Excuse me lang ha. Mukhang ubos na yata ang mga pagkain. Kailangan ko ng magluto ulit." Singit ni Crystal at lumabas na. Napangiti na lang ako.

"Kumusta?" Tanong niya nang lumabas na si Crystal.

"I'm fine. How about you?" Tanong ko.

"Okay lang naman. Medyo busy." Sagot niya. Kung busy siya bakit narito siya?

"Busy ka pala e. Bakit ka pa pumunta rito?" Tanong ko.

"Don't worry, sweetheart. I have time management." Mayabang niyang sagot. Inirapan ko na lang siya sa kayabangan niya.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman. Bakit?"

"Let's date." Sagot niya. Kahit kailan talaga kapag umakto 'to parang girlfriend niya ako. Kaya minsan napagkamalan kami e.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon