Chapter 21

15.7K 276 19
                                    

Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

SA ILANG ARAW na narito ako sa resort ni Denzel ay ilang araw ko na ring pilit na iniiwasan siya. Hindi pa kami nakapag-usap simula noong may nangyari sa amin. At napag alaman ko na isang linggo pala kami rito. At bukas ay uuwi na kami. Atat na atat na akong umuwi sa totoo lang.

Ayaw kong tumagal dito na kasama siya. Hindi ko kaya. At sisiguraduhin ko na kapag naka uwi na kami ay sisimulan ko ng umiwas sa kanya. Sapat na ang isang pagkakamali na nagawa ko at ayaw ko ng masundan pa iyon.

Napabalik ako sa katinuan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino iyon ay napangiti ako. Si Nathan.

"Hello, Nathan." Sagot ko.

"Hey, where are you? Wala ka sa bahay niyo," sagot niya sa kabilang linya.

"N-nasa Baguio ako." Sagot ko.

"Anong ginagawa mo diyan sa Baguio?" Tanong niya. Sasagot na sana ako nang may humablot ng cellphone ko. Si Denzel.

"Hello. Zaphire is busy right now. Bye." Sabi niya at binaba ang tawag. What the heck! Bakit bigla bigla na lang siya sumusulpot?

Hinagis niya sa kama ang cellphone ko at tumingin sa 'kin. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya kaya agad akong napa-iwas.

"Nathan huh?" Banggit niya sa pangalan ni Nathan.

Hindi ko na lang siya pinansin at agad na kinuha ang cellphone ko sa kama. Akmang maglalakad na ako palabas ng kwarto nang hawakan niya ang braso ko. Napahinto ako at napatingin sa kanya na ngayon ay madilim ang mukha na halatang galit. Galit? Kanino? Sa akin? May nagawa ba akong kasalanan para magalit siya?

"Huwag ka ng makikipag-usap sa lalaking 'yon," mariin niyang sabi. Agad kong hinigit ang braso ko na hawak niya.

"Wala kang karapatan para sabihin sa akin 'yan." Galit kong sagot at agad na lumabas ng kwarto.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang puno. Umupo ako sa malaking bato at saka pinulot ang mga maliliit na bato na nasa harap ko at pinaglaruan iyon.

Bakit ganon siya makaakto? Dahil ba may nangyari sa amin kaya siya ganon? Gustong-gusto ko ng maniwala sa mga pinanggagawa niya. Pero sa tuwing ginagawa niya lahat ng iyon biglang papasok sa isip ko na gusto niya lang gumanti sa akin.

"Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo ah," napahinto ako sa paglalaro ng bato nang may nagsalita.

"Benedick..." Gulat kong sabi. Umupo siya sa tabi ko at pumulot din ng isang maliit na bato at tiningnan ito.

"Bakit ka nandito? Bakit 'di mo kasama si Denzel?" Tanong niya.

"Ahm...gusto ko lang kasi magpahangin." Pagsisinungaling ko.

"Ganon ba? Pero base sa mukha mo parang may problema ka. C'mon, tell me what is it?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

"Wala ito. Kaunting problema lang naman." Sagot ko at ngumiti ng pilit sa kanya.

"Okay. Kung ayaw mong sabihin okay lang. Pero kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." Sagot niya at ngumiti sa 'kin.

Tumango lang ako bilang sagot. Mga kalahating oras din kami roon at nagkukwentuhan ng kung ano-ano. Ngayon ko lang na realized na ang saya niya pala kausap.

Nang makabalik na ako sa resthouse ay wala na roon si Denzel. Kaya napagpasyahan ko na ayusin na ang mga gamit ko. Gustong-gusto ko na kasing umuwi para hindi ko na makasama pa ang lalaking iyon.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon