Chapter 27

15.2K 279 25
                                    

Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

HININTO ko ang kotse na sinasakyan namin sa isang mamahaling Restaurant. Dito ang usapan namin ni tita Darcy. Dito raw kami magkikita.

Pagkatapos kong i-park ang sasakyan ay agad na kaming pumasok sa Restaurant. Habang hawak ang kamay ng anak ko ay inilibot ko ang paningin sa loob ng Restaurant para hanapin si tita Darcy. Nang makita ko siya sa isang sulok ay agad kaming lumapit sa kanya.

"Tita.." tawag ko sa kanya. Napaangat siya ng mukha at nagulat.

"Zaphire. Thank, God dumating ka. Akala ko 'di ka na pupunta dahil sa narinig mo." Sabi niya at napahinga ng malalim. Napatingin naman siya sa gilid ko.

"Siya na ba ang apo ko?" Nakangiting tanong niya sak 'in.

"Opo." Sagot ko. Umupo ako sa katapat na upuan niya.

"Apo, come here. I want to hug you." Sabi niya. Agad naman na lumapit ang anak ko at niyakap siya.

Napapangiti ako sa nakikita ko ngayon. Masayang-masaya ang anak ko dahil nakilala at nakita na niya ang mga lola at lolo niya. Pagkatapos ng yakapan nila ay pinaupo ko si Daphzel sa isang upuan na napagitnaan namin ni tita Darcy.

"Mommy, bakit dalawa po ang lola ko?" Tanong niya kahit na nahihirapang magsalita ng tagalog. Napatingin naman ako kay tita Darcy na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Ano kasi apo...your daddy is my son," napalaki ang mata ko sa sagot niya.

"Really, lola? Then, where he is?" Takang tanong ni Daphzel.

"Nasa malayo ang daddy mo, baby." Sumingit na ako sa usapan nila.

Ayokong malaman pa ng anak ko ang tungkol sa ama niya. Tama na napakilala ko ang lola niya. Nakita ko na biglang lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko. Sorry baby.

Tiningnan ko naman si tita Darcy na nakatingin pa rin sa akin.

"Let's eat first." Ako na mismo ang nag-iba ng usapan.

---

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa isang arcade. Hinayaan kong maglaro si Daphzel doon. Habang kami ni tita Darcy ay nakatayo lang sa gilid habang tinitingnan na masayang naglalaro ang anak ko.

"Kinabahan ako kanina nang biglang dumating si Denzel at nang tinanong niya kung sino ang kausap ko," sabi niya. Kahit ako rin kanina ay sobrang kinabahan.

"Ako rin po tita." Maikling sagot ko.

"Mabuti pumunta ka pa rin," sabi niya.

"Nangako po ako sa inyo. Ayoko pong sirain ang pangako ko. Baka po kasi isumbong niyo po ako sa anak niyo." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Hindi naman, hija. Pero wala ka bang balak na ipaalam sa anak mo ang totoo?" Tanong niya sa akin. Buo na ang desisyon ko na wala akong sasabihin sa anak ko tungkol sa ama niya.

"Wala po tita. Tama na siguro na nakilala ka niya bilang lola." Sagot ko. Tumango lang siya.

"Fine. Kung iyon ang gusto mo. Pero hindi maikakaila na kamukhang-kamukha niya si Denzel." Iyan pa ang kinatatakutan ko. Bakit kasi hindi na lang mukha ko ang nagaya.

"By the way. Gusto mo bang pumunta sa Mansion? Para tingnan ang ginawa mo?" Nakangiting sabi niya.

"Tita alam niyo naman po na hindi pwede," sagot ko. Hindi ko alam kung anong balak ni tita Darcy. Dahil alam niya naman na may posibilidad na makita kami roon ni Denzel.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon