Chapter 22

14.6K 278 10
                                    

Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

KINABUKASAN pagkatapos sabihin sa akin ni Nathan lahat ay agad kong napagpasyahan na kailangan kong pumunta sa Italy. Gusto kong malaman kung sino talaga ang bumili ng Restaurant kong iyon. At hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nalaman ko na ang may pakana nitong lahat ay si Denzel.

At dahil hindi ko naman basta-basta maiiwan ang kompanya rito ay kailangan ko pang magpaalam kay daddy. Agad akong pumunta sa office niya rito sa bahay.

Kumatok muna ako bago pumasok. Nadatnan ko sila ni mommy roon na nag-uusap. Napatingin silang dalawa sa akin habang papalapit sa kanila.

"Bakit anak?" Tanong ni daddy. Umupo ako sa kaharap na upuan ni mommy.

"Dad, gusto ko lang po magpaalam sa inyo. Kailangan ko po kasing pumunta sa Italy bukas." Pagpapaalam ko. Halatang nagulat sila sa sinabi ko.

"Why? May problema ba?" Tanong naman ni mommy.

"M-may konting problema lang po mommy. Pero kaya ko naman po." Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kanila ang totoo.

"Okay. Ako na muna ang bahala sa kompanya. Make sure na maaayos mo ang problema mo doon." Sagot ni daddy. Agad akong napangiti.

"Thanks dad, mom. Promise po maaayos ko ang problema doon." Nakangiting sagot ko. Tumango lang sila.

"Thanks mom, dad. Mag-aayos lang po ako ng mga gamit na dadalhin ko bukas." Sagot ko at agad na tumayo at naglakad na palabas ng office ni daddy.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at pagkapasok ko ay biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Denzel.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Nakailang tawag na siya. Sa huli ay sinagot ko na dahil panay ang tawag.

"Hello." Walang ganang sagot ko.

"Pwede ba tayong magkita ngayon?"  Sagot niya sa kabilang linya. Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Hindi ako pwede ngayon." Sagot ko.

"Tomorrow..."

"Hindi rin pwede." Agad na sagot ko. Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

"How about tonight?" Tanong niya. Napairap na lang ako. Hindi talaga ako titigilan ng lalaking ito.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Fine. Mamayang gabi."

"Thank you. Sunduin kita ng seven," sagot niya na halatang masaya. Agad ko ng binaba ang tawag at nilapag ang cellphone ko sa bedside table.

Agad akong pumunta sa walk-in closet ko at kinuha ang isang maleta at nilagay ang mga gamit ko roon na dadalhin ko para bukas. Pagkatapos ay agad kong tinawagan si Kevin para bilhan ako ng ticket.

Hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit gustong makipagkita ni Denzel sa akin mamayang gabi. Ano naman kaya ang sasabihin niya? Aamin na ba siya na siya ang may pakana kung bakit nawala sa akin ang Restaurant ko sa Italy? Mas mabuti na iyon para hindi na ako mahihirapan na alamin kung sino ang may pakana ng lahat.

———

"Ang ibig mong sabihin ay wala na ang Restaurant mo sa Italy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dianne sa akin. Bumisita siya sa 'kin sa bahay nang malaman niya na wala na ang Restaurant ko.

"Yes. At kung hindi pa sinabi ni Nathan sa 'kin kahapon ay hindi ko pa nalaman." Sagot ko.

"How about Crystal? Hindi ka man lang niya tinawagan? 'Di ba siya ang manager doon?" Tanong niya. Iyon din ang pinagtataka ko. Bakit hindi si Crystal ang unang nagsabi sa 'kin. Bakit si Nathan?

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon