Enjoy reading!
Zaphire's PoV,
"MA'AM, okay na po ang lahat. Isuot niyo na po ang Wedding gown niyo," sabi ng isang babae na ngayon ay hawak ang wedding gown ko.
Katatapos lang nila akong lagyan ng make up at inayos ang buhok ko. Agad na akong tumayo at sinuot iyon. Ngayong araw na 'to ang kasal ko. Ako lang yata ang bride na ikakasal na malungkot.
Alam na rin nila mommy at daddy na pumayag akong magpakasal kay Denzel. Noong una ay ayaw ni daddy dahil gagawa raw siya ng paraan para mabayaran ang utang niya. Pero ako na ang pumilit sa kanya. Sumang-ayon na lang din si mommy.
"Ang ganda niyo po, ma'am." Nakangiting sabi ng babae na tumulong sa 'kin sa pagsuot ng wedding gown.
"Salamat." Sagot ko at pilit na ngumiti.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si mommy. Nakabihis na rin siya. Agad namang nagsilabasan ang mga nag-ayos sa akin.
"Anak, sigurado ka na ba?" Tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Opo, mommy. Huwag na po kayong mag-alala." Sagot ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Ayoko kasi na matulad ka sa akin noon. Nagpakasal ako sa daddy mo dahil nagkautang din kami sa kanila," malungkot na sabi niya. Noon pa man ay alam ko na ang kwento nila ni daddy. At parang naulit muli ang nangyari sa kanila.
"Mommy, ginagawa ko ito dahil ayokong mahirapan kayo. Ilang taon din po na wala ako sa tabi niyo. Mommy, kahit sa ganitong paraan lang matulungan ko kayo," paliwanag ko. Agad niya akong niyakap. Pinipigilan kong umiyak sa harap niya. Kailangan kong maging matatag sa harap ni mommy.
"Kung anong gusto mo susuportahan ka namin ng daddy mo. Nandito lang kami palagi." Umiiyak niyang sabi. Tumango lang ako bilang sagot.
———
HUMINTO ang puting kotse na sinasakyan ko sa harap ng isang simbahan. Agad na bumukas ang pinto ng kotse at inalalayan akong makababa hanggang sa huminto kami sa isang saradong pinto. Hawak-hawak ko ang isang tangkay ng puting bulaklak.
"Anak, are you sure about this? Pwede kapang umatras," tanong sa akin ni Daddy.
Ngumiti ako sa kanya. "No, dad. Sure na po ako dito." Nakangiti kong sagot.
Kailangan kong ipakita sa kanila na masaya ako kahit hindi naman talaga. Kumapit ako sa braso ni Daddy nang bumukas ang pinto ng simbahan.
Maraming camera ang nakatutok sa amin ni daddy habang naglalakad. Hindi na ako magtataka. Isa siyang governor ng bayan na ito. At isa rin siya sa pinaka mayaman sa bansa.
Huminto kami sa harap ni Denzel na ngayon ay nakatitig sa akin.
"Gov, ingatan mo ang nag-iisa kong anak. Kapag nalaman kong sinaktan mo siya ay ako na mismo ang kukuha sa kanya mula sa 'yo." Banta ni daddy sa kanya.
"Don't worry, Mr. Saavedra. Iingatan ko ang anak niyo." Magalang niyang sagot.
"Call me dad." Sagot ni daddy.
"Okay po, dad." Sagot niya. Agad kong niyakap si daddy. Pagkatapos ay agad na kaming pumunta sa altar kung saan naghihintay na ang pari na magkakasal sa amin.
———
PAGKATAPOS ng kasal ay pumunta kami sa isang hotel na pagmamay-ari rin niya. Doon ginanap ang reception ng kasal namin. Pilit akong ngumiti sa mga bisita na naroon. At hindi kami nakaligtas sa mga media na naroon din.
"Gov, ano pong balak niyo pagkatapos ng kasal ninyo?" Tanong ng isang reporter.
"Pag-uusapan pa namin ng asawa ko kung saan kami magha-honey moon." Nakangiti niyang sagot habang hawak-hawak ang baywang ko.
"Gov, anak niyo po ba ang batang ito?" Tanong ng isa pang reporter at may pinakitang isang litrato ni Daphzel.
"Yes. He's my son." Sagot niya. Ilang tanong pa ang sinagot niya bago kami lubayan ng media.
Pagkatapos ng reception ay agad na kaming bumalik sa Mansion. Sina mommy at daddy ay agad na umuwi sa bahay namin pagkatapos makipag-usap kay tita Darcy.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad kong inalis ang make up sa mukha ko. At nagulat ako nang may mga brasong yumakap muka sa likod ko.
"Hey, wife. Finally you're mine." Bulong niya sa tainga ko.
Pagkatapos kong maghugas ng mukha ay agad kong tinanggal ang mga braso niya sa baywang ko at humarap sa kanya.
"Inaantok na ako." Sagot ko at umalis sa harapan niya at lumabas ng banyo. Agad kong kinuha ang tuwalya na nasa kama at ipinunas sa mukha ko. Pagkatapos ay agad akong humiga sa kama.
Rinig kong bumukas ang pinto mula sa banyo at mga yapak papalapit sa kama na hinihigaan ko.
"Ganyan ba ang pakikitungo ng isang asawa?" Tanong niya. Hindi ko siya nilingon at nanatili lang akong nakahiga at nakatalukbong ng kumot.
"Zaphire. Naalala mo pa ba ang tanong ko sa 'yo noong nasa Baguio pa tayo?" Tanong niya ulit. Napaisip ako sa tanong niya.
"Uulitin ko ulit ang tanong na 'yon. Minahal mo ba talaga ako noon? O totoong pinaglaruan mo lang ako?" Tanong niya. Ayoko pang sagutin ang tanong na 'yan.
"Zaphire...." Tawag niya sa pangalan ko. Pero hindi ko pinansin 'yon. Tinanggal ko ang kumot na bumalot sa katawan ko at tumayo.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Doon na muna ako kay Daphzel." Sagot ko at kinuha ang isang unan. Pagkatapos ay naglakad na. Pero napahinto ako nang kinuha niya ang unan na dala ko.
"Hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto. Dito ka matutulog." Matigas niyang sabi. Naiinis na ako.
"Pwede ba Denzel hayaan mo muna ako. Tandaan mo sa papel lang tayo kasal. Kaya wala kang karapatan na diktahan kung saan ako matutulog. Huwag kang umasta na totoo tayong mag-asawa." Galit kong sabi.
At kinabahan ako nang bigla siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. Hindi dapat ako magpahalata na natatakot ako sa kanya.
"Kung para sa 'yo kasal lang tayo sa papel. Ibahin mo ako, Zaphire. Tandaan mo asawa na kita. At kapag sinabi kong asawa kita hindi kana pwedeng lumapit o dumikit sa iba." Mahaba niyang sabi habang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Ngayon, bumalik ka sa kama at matulog." Mariin niyang utos at tinuro ang kama.
Napapikit ako at bumuntong hininga bago padabog na bumalik sa kama at humiga. Kinuha ko ang isang unan at nilagay sa gitna namin at agad kong pinikit ang mga mata ko at tumagilid ng higa.
At dahil iisang kumot lang kami ay hinila ko iyon. Pero nagulat ako nang hinila niya pabalik sa kanya ang kumot. Kaya wala akong nagawa kundi ang makipag share ng kumot sa kanya.
———
NAGISING ako dahil ramdam kong may labing humahalik sa mukha at pababa sa leeg ko. Pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Denzel ang tumambad sa akin. At dahil sa gulat ay naitulak ko siya palayo sa akin.
"Good morning, my wife." Nakangiti niyang bati. Napaupo ako sa kama habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Anong ginawa mo sa 'kin?" Tanong ko.
"Wala pa. Hinalikan pa lang kita. Gusto mo ituloy natin?" Sagot niya habang nakangiti pa rin.
"Ituloy mong mag-isa mo!" Asar kong sagot at tumayo at pumunta sa banyo para mag ayos. Narinig kong tumawa pa siya.
••••••••
Thank you for reading.
©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2019.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓
RomanceZaphire Saavedra is the only Daughter of Ezekiel and Allianah Saavedra. At dahil nag-iisang anak lang si Zaphire ay kailangan niya pamahalaan ang kompanya ng mga nagulang niya. At kailangan niyang ingatan ito dahil 'yan mismo ang ipapamana sa kanya...