Chapter 7

14.2K 280 21
                                    


Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

PALAKAD-LAKAD lang ako sa loob ng opisina ko. Iniisip ko kung kakausapin ko ba si Denzel o hindi? Sa ginawa ko sa kanya kanina mukhang wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya. I slapped him. Pero hindi ko pinagsisisihan iyon.

Hinuhusgahan niya na kaagad ako porket nakita niya ako na nakikipag-usap sa isang lalaki. Pero ayaw ko rin naman na magalit si daddy sa 'kin kapag hindi tinanggap ni Denzel ang proposal ko. Kailangan ko siyang maka-usap. Kakapalan ko na ang mukha ko. Bahala na.

Agad kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa mesa ko at tinawagan si Denzel. Ilang ring lang ay sinagot niya agad.

"Hello," sagot niya.

"H-hello, D-denzel. Pwede ba tayong mag-usap? T-tungkol doon sa proposal ko," nauutal kong sabi.

"Matapos mo akong sampalin kanina?" Seryoso niyang sabi mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"I'm sorry. Okay? Hindi ko sinasadya iyon. Kaya please tanggapin mo na ang proposal ko." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi ako pwede ngayon. Marami akong inaasikaso ngayon dito sa Hospital." Sagot niya. Napakamot ako ng ulo. Paano na ngayon 'to. Kailangan ko talagang pumunta roon.

"Ako na lang ang pupunta diyan. Kung pwede?" Sagot ko. Kailangan ko talagang maka-usap siya. Baka atakihin na naman si daddy kapag pumalpak ako.

"Are you sure?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko.

"Okay. Ikaw bahala." Sagot niya at binaba na ang tawag.

Agad kong inayos ang sarili ko at lumabas na ng office ko. Nagulat pa si Kevin nang makita ako.

"Aalis po ulit kayo, Ma'am?" Tanong niya.

"Yes. May pupuntahan lang ako saglit kaya ikaw muna ang bahala dito." Sabi ko at naglakad na. Sana pumayag siya. Lagot ako kay daddy kapag tinanggihan niya ang proposal ko.

PAGDATING ko sa Hospital niya ay agad kong tinungo ang opisina niya. Alam ko naman kung saan iyon dahil hinila niya ako dati papasok sa office niya.

Nang bumukas ang elevator ay agad na akong naglakad at hinanap ang office niya. Nang nasa harap na ako ng office niya ay napahinto ako nang marinig ko ang ungol ng isang babae. Shit!

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Unti-unti kong binuksan ang pinto ng office niya at tumambad sa akin ang dalawang tao na naghahalikan. Ang babae ay naka hubad na. Walang kahit na anong saplot sa katawan habang nakatihaya sa ibabaw ng mesa. Habang si Denzel ay nakababa ang pantalon at brief at binabayo ang babae habang naghahalikan.

Akala ko ba marami siyang inaasikaso sa Hospital niya?

"Uuhh...faster aahh!" Ungol ng babae.

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naka-kita ng ganito sa harap ko. Oo minsan nakikita ko lang sa mga video ni Crystal na pinapanood niya. Pero 'yong sa harap mo mismo at kitang-kita ng dalawang mata ko. Mapapamura ka talaga! Hindi ba sila nahihiya na baka kay makarinig sa kanila sa labas? Tinuringang doctor, tapos ganito naman pala ang ginagawa.

Kaya habang hindi pa nila ako nakikita ay agad ko ng sinarado ang pinto. Shit! Anong gagawin ko ngayon? Bukas ko na lang ba kakausapin si Denzel? At bago pa man ako maka-isip ng gagawin ko ay biglang bumukas ang pinto.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon