Chapter 30

16.4K 266 10
                                    

Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

LUMIPAS ang isang linggo matapos ang christmas. At katulad ng sinabi ni tita Darcy sa Mansion nila kami nag pasko. Kahit na ayaw ko sana. Naging maayos naman ang pasko ko. Kahit na kasama ko ang taong ayaw kong makita. At ngayon na malapit na ang bagong taon ay ayokong dito na naman kami mag celebrate.

"Hija, aalis muna ako. Pupunta lang ako sa kaibigan ko. Mga dalawang araw ako roon dahil kasal ng anak niya." Mahabang sabi ni tita habang may dalang isang bag.

"Tita uuwi na rin po kami mamayang hapon." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit siya sa akin nagpapaalam. 'Di ba dapat sa anak niya?

"Uuwi na kayo? Nagpaalam ka ba kay Denzel, hija?" Gulat niyang tanong. Kailangan pa bang magpaalam kay Denzel?

"Hindi po. Wala naman po siya dito." Sagot ko. Ang totoo niyan iniiwasan ko talaga na magkita kami sa Mansion na ito.

"Siguro nandoon siya sa kwarto niya ngayon. Puntahan mo na lang. Sige na kailangan ko ng umalis." Paalam niya at humalik sa pisngi ko.

"Sige po. Ingat po kayo." Sagot ko. Ngumiti lang siya at naglakad na dala-dala ang isang malaking bag.

Ngayon na wala rito si tita Darcy ay kami na lang tatlo ang natira sa Mansion. Ay hindi! May mga kasambahay pa pala. Siguro ngayon na lang din kami aalis ng anak ko. Kaya agad akong tumayo sa sofa at umakyat sa hagdan at pumunta sa kwarto namin ng anak ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay wala roon si Daphzel. Nasaan kaya iyon? Narito lang siya kanina. Pumunta ako sa walk-in-closet para kunin ang mga gamit namin doon.

Pagkatapos ay hinanap ko na ang anak ko. Wala siya sa banyo. Nasaan kaya siya? Lumabas ako ng kwarto at hinanap siya. Pumunta ako ng kusina baka sakaling kumakain na naman ng ice cream doon.

"Manang nakita niyo po ba ang anak ko?" Tanong ko sa mayordomang si Aling Estela.

"Hindi, hija. Hindi siya pumunta dito." Sagot niya.

"Sige po. Salamat." Sagot ko at umalis na sa kusina.

Bumalik ulit ako sa taas para hanapin siya sa mga kwarto na naroon. Inisa-isa ko ang mga kwarto na naroon. Pero wala. Pwera nal ang sa isang master's bedroom na sa pagkakaalam ko ay kwarto ni Denzel.

Ayokong pumasok. Alam kong nariyan siya sabi ni tita Darcy kanina. Pero kinakabahan na ako. Hindi ko makita si Daphzel. Kaya wala akong nagawa kundi ang kumatok. Tatlong beses akong kumatok bago ko binuksan ang pinto ng dahan-dahan.

And there! Nakita ko ang mag-ama na nagtatawanan habang nakatingin sa cellphone ni Denzel. Napatingin sila sa akin nang makita nila ako.

"Mommy! Halika po dito. Your face is so funny, mom." Nakangiting sabi ng anak ko.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Face? Mukha ko? Nakakatawa? Agad akong lumapit sa kanila at kinuha ang cellphone ni Denzel na hawak niya. At agad na napalaki ang mga mata ko. Mukha ko nga ang pinagtatawanan nila.

"Who took this?" Seryoso kong tanong sa kanilang dalawa. Agad silang tumahimik.

"Mommy..."

"Sino?" Seryoso ko pa ring tanong.

"Mommy, galit ka po?" Malungkot na tanong ng anak ko. Hindi ko siya sinagot.

"Ako ang kumuha niyan kanina." Napatingin ako kay Denzel sa sagot niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa tingin mo nakakatuwa 'yang ginawa mo?" Galit kong tanong.

"I'm sorry. Don't worry buburahin ko na." Sagot niya at pinakita sa akin habang pinindot ang 'delete'.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon