Chapter 33

18.2K 318 46
                                    

Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

PAGKATAPOS kong maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto. Habang pababa ng hagdan ay rinig ko ang malakas na tawa ng anak ko.

Pumunta ako sa sala at nakita ko roon si Daphzel na may kalaro. Isang babae. Si Elona. Agad akong lumapit sa kanila kaya huminto sila sa paglalaro at napatingin sa 'kin.

"Mommy!" Sigaw ng anak ko at tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Baby, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Yes, mommy." Sagot niya.

"Hello po, ma'am Zaphire." Bati sa akin ni Elona.

"Pinapunta ka ba dito ni mommy at daddy?" Tanong ko sa kanya.

"Naku hindi po, ma'am. Si sir Denzel po ang nag-utos sa 'kin," mabilis niyang sagot. Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Si Denzel ang nag-utos sa kanya?

"Si Denzel? Bakit daw?" Tanong ko.

"Di ba siya ang yaya ni Daphzel? Kilala din siya ni mommy. Kaya inutusan ko siyang pumunta dito para mag-alaga sa anak natin." Napalingon ako sa likod ko. Dahil nagsalita roon si Denzel.

"Pero kaya ko namang alagaan si Daphzel." Sagot ko. Lumapit siya sa 'kin.

"Mas mabuti ng may mag-alaga sa anak natin. Ayokong mapagod ka. Makulit pa naman ang anak natin." Sagot niya. Saan pa ba nagmana? Kundi sa daddy.

"Pero---"

"Sige na, Elona. Paliguan mo na si Daphzel." Utos niya. Agad namang sumunod si Elona at dinala na si Daphzel sa kwarto.

"And you, woman. Mag bihis ka. May pupuntahan tayo." Utos niya.

"Saan?" Takang tanong ko.

"Mag bihis ka na. Mamaya ko na sasabihin." Sagot niya at umupo sa sofa. Tiningnan ko muna siya bago bumalik sa kwarto.

———

HABANG nagba-byahe ay panay ang tingin ko sa katabi ko. Hindi siya umiimik. Kaya hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ilang minuto pang byahe ay huminto kami sa isang mataas na gusali.

Agad akong bumaba ng sasakyan. Sa pagkakaalam ko ay isa ito sa kompanya ni Denzel. Pero bakit dito niya ako dinala? Tumingin ako sa kanya nang lumapit siya sa 'kin.

"Let's go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Sumunod ako sa kanya. Pagkapasok namin ay maraming mata ang nakatingin habang naglalakad kami. Mas lalo niya pang binilisan ang paglalakad papunta sa elevator. Nang bumukas iyon ay agad na kaming pumasok.

"Sa susunod kapag lumabas ka ng bahay ay 'wag ganyan ang suotin mo." Nakakunot noong sabi niya. Tiningnan ko naman ang damit ko. Naka ripped jeans at naka off shoulder. Maganda naman ah.

"Ano bang mali sa suot ko? Maganda naman ah," sagot ko.

"Oo maganda sa paningin ng iba kaya pinagtitinginan ka na ng mga lalaki." Inis niya sagot. Hindi na ako sumagot at nanatili na lang sa tabi niya.

Nang bumukas ang elevator ay hawak niya pa rin ang kamay ko. Pumasok kami sa office niya.

"Sit here." Utos niya at tinuro ang isang upuan na kaharap niya. Umupo rin siya sa swivel chair niya at may kinuha sa isang drawer na nasa tabi niya. Inilapag niya iyon sa mesa at tiningnan ako.

"Basahin mo." Utos niya. Kinuha ko ang isang folder at binuksan ito.

Tungkol ito sa Pharmaceutical. Nakalagay rito na pagmamay-ari ko na ulit iyon. At ang isa pang papel ay ang ipinapatayo niyang kompanya sa Baguio. Nakalagay rito na pagmamay-ari ko na rin. Kunot noo akong tumingin sa kanya.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon