Enjoy reading!Zaphire's PoV,
PAGSAPIT ng tanghali ay agad akong pumunta sa Restaurant kung saan kami magkikita ng mommy ni Denzel.
Pagkababa ko sa sasakyan ay agad akong pumasok sa Restaurant at hinanap kung nasaan si tita Darcy. Nakita ko siya sa isang sulok habang may kausap sa cellphone. Agad akong lumapit sa kanya at nang makita niya ako ay agad niyang tinapos ang pag-uusap niya sa cellphone.
"Hija, Zaphire. Have a sit." Sabi niya at tinuro ang kaharap niyang upuan. Ngumiti naman ako sa kanya at agad na umupo.
"Mag-order muna tayo ng maka-kain," sabi niya at tinawag ang isang waiter. Kaunti lang ang in-order ko dahil nakakahiya kay tita Darcy. Siya raw kasi ang magbabayad. Pagkatapos namin mag-order ay nag-usap muna kami habang hinihintay ang order namin.
"So, how are you, hija?" Nakangiting tanong niya.
"Okay lang po tita. Ikaw po?" Balik tanong ko.
"I'm fine. By the way, pasensya ka na sa sinabi ko kahapon. Nakikita ko lang kasi na parang bagay kayo ng anak ko," nakangiti niyang sabi. At hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya.
"Okay lang po 'yon. Pasensya na rin po kung bigla akong umalis." Sagot ko.
"It's ok, hija. Kumusta nga pala ang pinapagawa kong Mansion?" Tanong niya.
"Hindi ko pa po nasimulan, tita. Baka po mamaya pa." Sagot ko. Tumango lang siya.
Nahinto lang ang pag-uusap namin nang dumating na ang in-order namin. Bigla akong natakam sa mga nakahain sa harapan ko. Nang umalis na ang waiter ay agad kong kinuha ang kutsara't tinidor para kumain na. Pero hindi pa ako naka-unang subo nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Hi, mom." Damn! 'Yon na e! Kakain na ako oh. Tapos bigla siyang darating.
"Oh son! You're here. Akala ko hindi ka darating," naibaba ko ang kutsara at tinidor at tiningnan siya. Umupo siya sa tabi ko kaya napalayo ako ng kaunti sa kanya. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya napa-inom ako ng tubig.
"Oh great! Bagay talaga kayo. Anak ligawan mo na kasi si Zaphire." Bigla akong nasamid sa iniinom kong tubig. Naramdaman ko ang kamay ni Denzel na humahagod sa likod ko.
"Are you ok, hija?" Nag-aalalang tanong ni tita Darcy. Tumango lang ako bilang sagot. Habang ang kamay ni Denzel ay naroon pa rin sa likod ko.
"Okay na ako. Salamat." Sabi ko sa kanya. Agad niya namang kinuha ang kamay niya sa likod ko.
"Okay, let's eat. Anak, mag-order ka na para maka kain ka na." Utos ni tita Darcy kay Denzel.
"No need, mom. Share na lang kami ni Zaphire ng pagkain." Sagot niya at biglang kinuha ang pagkain ko. Whatda! Nababaliw na ba siya? Ano na lang ang sasabihin ng mommy niya? Nakangiti naman sa akin si tita Darcy.
"Say ah, baby." Sabi niya habang sinusubo sa 'kin ang kutsara. Ano bang kalokohan ang ginagawa ng lalaking ito?
"Kaya kong kumain mag-isa. At pwede ba kumuha ka ng sa 'yo," inis kong bulong sa kanya at kinuha ang kutsara. Nakakahiya kasi kapag binulyawan ko siya sa harap ng mommy niya.
"Relax, baby. Nakiki-share lang naman ako ng pagkain sa 'yo. Anong masama do'n?" Bulong niya sa 'kin. Iniinis talaga ako ng lalaking 'to. Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Aww! Sakit." Buti nga sa 'yo.
"Anong nangyari sa 'yo, anak?" Biglang tanong ni tita Darcy. Habang ako ay sige lang sa pagkain.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓
RomanceZaphire Saavedra is the only Daughter of Ezekiel and Allianah Saavedra. At dahil nag-iisang anak lang si Zaphire ay kailangan niya pamahalaan ang kompanya ng mga nagulang niya. At kailangan niyang ingatan ito dahil 'yan mismo ang ipapamana sa kanya...