Epilogue

22.6K 373 65
                                    

Enjoy reading!

Denzel's PoV,

"Daddy, hindi po ba natin isasama si mommy?" Tanong ng anak ko. Maaga kasi kaming umalis sa bahay. Siya lang ang dinala ko dahil meron akong surpresa para kay Zaphire.

"Hindi, anak. Isu-surprise natin ang mommy mo." Sagot ko. Agad na kaming sumakay sa kotse at umalis.

Ilang oras na byahe ay nakarating kami sa Baguio. Tiningnan ko ang anak ko sa tabi ko. Mahimbing ang tulog niya. Agad kong kinuha ang jacket na nasa backseat at pinasuot ito sa kanya kaya nagising siya. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata.

"Daddy, saan po tayo?" Inaantok niya pang tanong.

"Nasa Baguio tayo. Dapat palagi mong isuot ang jacket mo dahil malamig dito." Sagot ko. Tumango lang siya.

"Opo, daddy." Sagot niya.

"Let's go." Agad na kaming bumaba ng sasakyan. Kinuha ko muna ang mga gamit namin sa backseat bago pumunta sa isang resthouse. Dito ko dati dinala si Zaphire.

"Wow, daddy. Ang ganda po dito," nakangiting sabi ni Daphzel.

"You like the place, son?" Tanong ko.

"Opo, daddy. May swimming pool po doon." Sagot niya at tinuro ang swimming pool.

Nang makarating kami sa resthouse ay agad kong tinawagan si Crystal. Kasabwat ko ang dalawang kaibigan ni Zaphire. Ilang ring lang ay agad itong sinagot.

"Hello,"

"Hello. Nakarating na ba kayo?" Tanong niya.

"Yes. Kadarating lang namin. Ikaw na ang bahala kay Zaphire." Sagot ko.

"Oo na. Kung wala lang akong kasalan sa 'yo hindi ko 'to gagawin e." Sagot niya.

"Sige na. Bye." Sabi ko at tinapos na ang tawag. Tiningnan ko naman ang anak ko na naka-upo sa sofa.

"Are you tired, son?" Tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"Halika. Hatid kita sa kwarto mo." Sagot ko at naunang pumunta sa isang kwarto. Agad kong binuksan 'yon at pinapasok siya.

"Matulog ka muna. Paggising mo nandito na ang mommy mo." Sabi ko.

Halatang napagod siya sa byahe dahil tango lang ang sagot niya at humiga na sa kama. Agad na akong lumabas ng kwarto at umupo sa sofa. Tiningnan ko ang cellphone ko. Hinihintay kong tumawag siya.

Mga ilang minuto pang paghihintay ay agad na tumunog ang cellphone ko. Pangalan niya ang lumabas sa screen kaya agad kong sinagot.

"Hello," sagot ko.

"Saan mo dinala si Daphzel? Denzel, parang awa mo na. Akala ko ba okay na tayo? Huwag mong ilayo ang anak ko." Pagmamakaawa niya. Napangiti na lang ako.

"Kung gusto mong makita ang anak natin hanapin mo kami." Sagot ko.

"Denzel, wala ako sa mood para makipaglaro sa 'yo. Sabihin mo na kung nasaan kayo? Parang awa mo na. Please." Sagot niya.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon