Chapter 28

15.3K 305 33
                                    

Enjoy reading!

Zaphire's PoV,

"Dad, alam mo naman na si Denzel ang ama ni Daphzel. Pero bakit 'di kayo tumanggi sa inalok niyang pagpapatayo ng kompanya sa Baguio?" Tanong ko sa kanya. Narito kami ngayon sa office niya. Kailangan kong sabihin ito sa kanya. Ayokong lumapit pa sa pamilya ko si Denzel.

"Pero anak, malaki ang kikitain natin sa ipapatayong kompanya na iyon," sagot niya. Mukhang hindi ko talaga makukumbinsi si daddy.

Ang plano ko sana ay huwag ng ituloy ang pagpapatayo ng kompanya sa Baguio. Pero mukhang nakapag decide na si daddy. Napabuntong hininga na lang ako.

———

TUNOG ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Pikit matang hinanap ng kamay ko sa bedside table ang cellphone ko. Nang mahanap ko ay agad kong tiningnan kong sino. Si tita Darcy.

"Hello tita?" Sagot ko.

"Good morning, hija wala ka bang pupuntahan ngayon?" Sagot ni tita sa kabilang linya. At ramdam ko na parang ang saya niya.

"Wala naman po." Sagot ko.

"Good! Pwede ba kayong pumunta dito ng apo ko sa Mansion?" Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko sa sinabi niya.

Alam ko na pilit niya akong pinapa punta sa Mansion kasama ang anak ko. Pero natatakot ako sa maaring mangyari. Paano kung magkita kami roon ni Denzel? Paano kung malaman niya na anak niya si Daphzel? Paano kung kukunin niya sa akin ang anak ko? Hindi ko kaya 'yon.

"Tita alam mo naman----"

"Wala si Denzel dito kung iyon ang inaalala mo. Kakaalis niya lang papuntang London." Sagot niya.

"Pero tita natatakot pa rin ako," sagot ko.

"Wala kang dapat na ikatakot, hija. Isang linggo siya sa London. Kaya pwede kayong pumunta dito. At isa pa mag-isa lang ako ngayong pasko." Sagot niya sa malungkot na boses. Bigla akong naawa. Kahit papaano ay lola siya ng anak ko. Tutal wala naman doon si Denzel.

"Sige po." Pagpayag ko. Rinig ko ang tili ni tita sa kabilang linya kaya nailayo ko ang cellphone sa aking tainga.

"Hihintayin ko kayo. Thank you, hija," masaya niyang sabi. Napangiti na lang ako.

Pagkatapos ay agad ko ng binaba ang cellphone ko at bumangon na. Tiningnan ko muna ang anak ko na ang himbing pa ng tulog. Pagkatapos ay agad akong pumunta sa banyo para maghilamos.

———

"Mommy, where are we going?" Tanong ng anak ko habang nagba-byahe kami papunta sa Mansion ni tita Darcy.

"Sa lola Darcy mo," sagot ko. Sumilay ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko.

"Really, mommy?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

Ilang oras din na byahe at huminto kami sa isang gate. Agad akong bumusina. May lumabas na isang guard sa maliit na gate na para lang sa mga tao. Lumapit ito sa kotse kaya agad kong binaba ang bintana ng kotse.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon