Prologue

29 0 0
                                    

 Para sa mga sawi sa pag-ibig,

Bakit ka nga ba nasaktan?

Mahal mo pero ‘di mo pinaglaban.

Nag-inarte ka pa kasi kaya ka iniwan.

Nagpapalambing lang, ‘di mo pa pinagbigyan.

Nauwi tuloy sa tampuhan.

May pagkakataon kang sabihin pero mas pinili mong sarilihin na lang.

Puro ka ngiti, pero pagtalikod iiyak naman.

Tiwala lang ang hinihingi, ang dami mo pang sinabi.

Pinaglaban ka na nga, nakulangan ka pa. 

Tinatanong ka kung mahal mo ba siya tapos itinanggi mo pa.

Hindi ka proud sa kanya pero nung siya naman ang ganoon sa’yo, nagagalit ka.

Ginawa mo na lahat pero ‘di pa niya naappreciate.

Sabing friends nga lang kayo, naging sweet lang ng konti, nafall ka na agad tapos tatawagin mo pang pa-fall.

Masyado kang selosa, ‘yun tuloy nasakal na siya.

Masyado kang naging kampante sa kaibigan o bestfriend mo, ‘di mo alam may nabubuo na pala sa kanila.

Time lang ang kailangan niya, mas pinili mo pang sumama sa iba.

Hindi mo alam ‘yung priorities mo.

Nagpakatanga ka na nga tapos pinaglaruan ka pa.

Pumayag ka na ngang may kasabay ka sa kanya, ikaw pa ‘yung tinawag na kabit.

Nagplano kayo ng sobra sobra, kaya nung nag-away kayo, babye na.

Kasi binasa mo ‘to tapos naalala mo siya, kaya ngayon nagsisisi ka pero meron na siyang iba.

 Bakit ka nahihirapan kang mag move-on?

Kasi nag expect ka ng todo.

Kasi nag tiwala ka.

Tinatak mo sa utak mo na He’s/She’s the one.

Kasi kahit papano naging masaya ka sa piling nya.

Kasi pinaramdam nya sayo na Hindi na sya mawawala sayo.

Kasi pinaniwala ka nya. Kasi naniwala ka naman.

Kasi hindi mo matanggap na wala na siya.

Kasi nasanay kang andyan siya palagi.

Kasi hanggang ngayon hndi ka pa nag uumpisang mag move on!

 "Nasa huli ang pagsisisi"

Ang katagang lagi ko nasasabi sa tuwing naaalala ko ang mga nagyari sa amin ni Kristen.

Naguguluhan ako, hindi ko alam kung sino ang mas dapat kong piliin sa dalawang babaeng mahal ko. Mahirap mamimili pero kailangan.

Si Ezra ba na una kong minahal ng tapat at sobra?

o si Kristen na nagpabago sa takbo ng aking buhay?

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon