Chapter 5

16 0 0
                                    

MARCH 17,2008

Simula na ng trabaho ko sa munisipyo. Sa parole ang probation ako na assign na department.

Maaga ako gumising dahil unang araw ko sa trabaho at ayoko mapahiya sa mga magiging kasama ko.

"Asawa ko, good morning papasok na ko. I love you."

Pagdating ko sa munispyo pumunta agad ako sa department kung saan ako na assign.

Pagbukas ko ng pinto may nakita akong 3 tao nakaupo, 1 lalake at 2 babae. Naupo ako sa tabitabi nung lalaki.

"Dito ka din na assign?" Tanong ng lalaki.

"Oo, bakit?"

"Wala lang, Stoff nga pala pare, ikaw?"

"Drix"

"Siya nga pala si Monica" Sabay turo sa babaeng maganda.

"Kasama natin siya?" Tanong ko.

"Oo pati si Tricia" Kumaway naman yung babae halatang bata pa.

"Ilan taon ka na?" Tanong ni Tricia sa akin.

"15, pa lang ikaw?"

"13"

"Ako 17 na" Sabat naman ni Stoff.

"Eh ikaw ate Monica ilan taon ka na?" Tanong ni Tricia sa kanya.

"Mag 17 na ako" Sabay ngiti.

Lumipas ang buong maghapon at marami kaming napagusapan ng mga kasama ko. Wala din naman masyado pinapagawa sa amin. Mababait yung mga tao dun sa munisipyo hindi nila kami tinuring na iba.

Pag uwi ko saka ko pa lang tinext si Ten.

"Asawa ko, nakauwi na ko"

Nagpahinga muna ako at naligo, napapikit ako hanggang sa makatulog ako.

7:30 PM

"Musta yung work mo babe?"

"Babe"

"I miss you"

"Bakit hindi ka na naman nagtetext?"

"Siguro pagod ka, sige pahinga ka muna. I love you."

5 messages lahat galing kay Ten kahit na antok na antok pa ko ay nireplyan ko pa din siya.

"Babe, sorry kakagising ko lang. Kain ka na"

"Ok lang babe, naintindihan ko"

Malawak ang pang-unawa niya, isa siguro yun sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya.

Mabilis lumipas ang araw, mahigit 1 week na din ako nag tatrabaho. Mas lalo ko nakilala yung mga kasama ko, masaya sila kasama mga palabiro din kasi.

Pero ang madalas ko nakakausap at nakaksama ay si Monica. Paano ba naman kasi yung 2 madalas ay umuuwi sa bahay nila tuwing lunch break.

Mabait naman si Monica, maganda na matalino pa. Isa siyang Accounting student sa UP, 2nd yr college na siya. Masarap siya kausap dahil madami ako natutunan sa kanya. Kung wala lang siguro akong girlfriend ay liligawan ko siya.

MARCH 23,2008

"Babe, aalis kami nila mama may pupuntahan daw kami. I love you"

"Ok ingat kayo babe"

May lakad kami nila mama, kasam yung ate ko at si kuya Jeff para daw may driver. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil ayaw naman nila sabihin pero naging familiar sa akin yung lugar.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon