Chapter 7

7 0 0
                                    

December 2008

Lumipas ang madaming buwan at naging maayos naman ang relasyon namin ni ten pero minsan hindi talaga maiiwasan ang away at tampuhan.

Nasa unang taon na ko ng kolehiyo sa kursong Mechanical Engineering at napagdesisyunan ko na sa Mapua na lang ipagpatuloy ang aking pag aaral.

Hindi naman kami madalas magkita dahil naging busy ako sa school at ganun din naman sya.

Kasalukuyang nakaupo ako sa bus pauwi ng biglang may tumawag.

"Hi hon! Daan ka ba sa bahay mamaya? Nandito kasi mga friends ko gusto ka daw nila ma meet." Ten

"Ah eh sige pero saglit lang madami pa din kasi akong tatapusin na projects." Ako

Hindi ko alam pero lately medyo naging demanding na si kristen at yun yung bagay na kinaiinisan ko nakakasakal na e wala ng time sa tropa puro sakanya na lang. Pinilit kong intindihin dahil sabi nga ng kaibigan ko na si Evan ako daw ang mas matand kaya ako daw ang dapat umintindi.

January 2009

Alam kong minsan ay naguguluhan na ko sa sitwasyon namin ni Ten paano ba naman kasi sobrang selosa ganun ata talaga pag gwapo ang boyfriend hahaha!

Kahit naman medyo hindi ako matinong boyfriend e gusto ko sya makita at makasama ngayong bagong taon ang tagal na din namin hindi nagkikita ata nakakapagusap ng maayos.

Kaya naman agad akong bumangon para tawagan sya at yayain na kumain sa labas.

"Hi babe, san ka? Lunch tayo miss na kita e. Sunduin kita sainyo ng before 12 ok lang?" Ako

"Uhm babe sorry ah pero on the way na kasi kami sa pampanga ngayon alam mo na may gathering yung mga relatives namin every new year. Sorry bawi ako sayo pag naka balik na kami ng manila."  Ten

Pambihira naman minsan ko na nga lang sya yayain na makipagdate di pa pwede. Kahit sobrang naiinis ako at hindi man lang sya nagsabi na aalis pala sila ngayon ay hindi ko na lang pinahalata. Nasanay na din siguro sya na once in a blue moon lang ako magparamdam sa kanya.

"Ah e ganun ba sige ingat na lang kayo enjoy. Next time na nga lang siguro."

Hay! Banas talaga di ko pa nga nabibigay yung regalo ko sakanya nung pasko dahil hindi din kami nakapagkita at eto na naman mukang matatambak na namanang regalo ko sakanya ngayong new year.

February 2009

Valentines Day ngayon pero mukang makikipagdate ako sa sarili ko paano ba naman walang katapusang away na naman ang nangyari sinusuyo ko na nga ayaw pa nya. Syempre ako yung lalaki ako dapat ang umunawa di ko din naman sya matiis kaya eto napansin ko na lang ang sarili ko na dinadial ang number nya.

"Hi hon happy valentines day! Sorry na pls? Pwede ba tayo lumabas bukas tutal sunday naman at pareho tayong walang klase." Ako

"Uhm Drix pwede ba sa ibang araw na lang tayo magusap medyo pagod kasi ako ngayon." Ten

Ouch! Nung marinig ko yung pangalan ko parang pinitik ng malupit yung puso ko wala ng endearment saklap!

"Ah sige may ibibigay lang din sana kasi ako sayo. Pero kung talagang pagod ka magpahinga ka na text mo na lang ako pag ok ka na."

"Ok goodnigt bye!" Ten

Yun lang ang huli kong narinig at binaba na nya, wala man lang I love you at I miss you. Di ko na sya maintindihan lately parang iniiwasan na nya ko at eto na naman ang mga regalo ko sakanya naipon na naman.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil niyaya ako maglaro ng basketball nila Vincent at dahil bihira ko na lang sila makasama at wala naman akong gagawin ay pumayag na ko.

Eto kami ngayon matapos maglaro ay magkekwentuhan namiss ko din yung mga mokong na to!

"Pre ang tagal mong di nagpakita samin ah!" Vincent.

"Oo nga nagka chix ka lang nakalimutan mo na kami samantalang dati kami ang karamay mo nung mga panahong sawi ka kay Ezra" Chester

"Kayo naman wag na kayo magselos ayaw nyo nun mukang seryoso na tong si Drix kay Kristen biruin nyo wala ng panahon satin e malamang madalas sya dun sa kanlungan ni Kristen hahaha!" Enzo

"Mga loko! Busy lang talaga ako sa school dami ginagawa e saka may problema nga ako ngayon e." Sagot ko naman

"Kita mo na magpapakita ka lang samin pag may kailangan ka e dapat hindi Drix ang pangalan mo e." Vincent

"Eh ano dapat?" Takang tanong namin nila Chester at Enzo

"DYAN MAYKEL!" Vincent

"Dyan Maykel?"  Ako

"DYAN LANG PAG MAYKELANGAN! HAHAHA! " Vincent

"Baliw ka talaga Vince! Pero maiba tayo ano na naman ang problema mo Drix?" Enzo

"Si Kristen, parang umiiwas e." Ako

"Ayun lang! Bakit ka naman nya iiwasan di ka naman siguro iiwasan ng girlfriend mo basta basta." Chester

"Baka naman may kalokohan kang ginawa nambababae ka na naman ba?" Seryosong tanong ni Enzo

"Kasalanan ko bang habulin ako ng chix?" Ako

"Di nga pare, seryosong usapan anong nangyari?" Chester

"Ewan ko lately di na kami masyado nagpapansinan medyo busy kasi kami siguro sa school kaya ganun." Ako

"Yun lang ba talaga?" Vincent

"Uhm o-oo?" Ako

"Umamin ka na kasi tol kialala ka namin ayaw ka lang namin pangunahan kasi alam mo na baka mapikon ka at bigla mo na lang kami bigwasan" Enzo

"Sige ganito talaga, dahil nga medyo busy ako sa school at wala na kaming time magkita at magkasama parang napunta yung attention ko sa iba." Ako

"In short na fall out of love ka na sakanya?" Sabay sabi nilang tatlo

"Medyo, oo? Di ko alam pero pinipilit ko naman na ibalik sakanya yung nararamdaman ko pero sya na yung kusang umiiwas e" Ako

"Alam na ba nya yan?" Chester

"Oo napagusapan na din naman namin." Ako

"Ah e baka kaya naman umiiwas e para bigyan ka ng space at time para mapagisipan mong mabuti yung nararamdaman mo" Enzo

"Tsk dude mahirap yan! Akala pa naman namin e nagbago ka na. Pre ingat ka sa karma." Vince

Yun lang at natahimik na kaming lahat. Siguro nga tama sila kaya ako iniiwasan ni Kristen ay para makapagisip ako ng maayos.


TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon