Chapter 4

18 0 0
                                    

FEBRUARY 28, 2008

11:00 PM

"Drix, tawag ka may sasabihin lang ako sayo importante."

Bigla akong kinabahan at napaisip sa sinabi niya kaya agad naman din akong tumawag.

"Hello, pwede po kay Kristen?"

"Drix!"

"Bakit mo ko pinapatawag? May problema ba?"

"OO!"

"Anong oo?"May halong pagtataka akong naramdaman.

"Oo yung sagot ko sa tanong mo."

"May problema ka? Ano?"

"Hindi, yung sa tanong mo dati oo yung sagot ko."

"Tanong ko dati? Wala naman ako tinatanong sayo ah" Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi ng babaeng toh.

" OO as in sainasagot na kita, tayo na."

"Talaga? Bakit?"

Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako natuwa sa narinig ko dahil siguro narealize ko kailan lang na hindi ako ganun kasersoyo sakanya na si Ezra pa din talaga ang mahal ko. Matagal akong natahimik bago ulit nakapagsalita.

"Drix, hindi ka ba masaya?"

"Ah sorry, masaya ko masayang masaya salamat."

"Talaga?"

"Oo pero bakit mo ko sinagot eh hindi mo pa nga ako nakikita ng personal?"

"Ewan ko, magaang kasi yung pakiramdam ko sayo saka masaya ko tuwing magkausap tayo."

"Ah ganun ba? Salamat ulit."

Pagkababa namin ng telephone ay hindi agad ako nakatulog dahil alam ko panibagong gulo na naman yung pinasok ko.

Naunahan niya ko, may balak na sana ako tumigil sa panliligaw sa kanya noong isang araw kaso hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sakanya.

Bahala na kung anong mangyari.

"Good night Babe, I love you."

Tinext niya ko, hindi ko alam kung rereplyan ko pa sya.

"Good night din, I love you too."

Pag gising ko ng umaga nakita ko 18 messages. Himala nagtext si Ten bago pumasok, ganun ba siya kaseryoso sa relasyon namin?

"Good morning babe, I love you. Ingat ka sa pagpasok. behave ah mwuah :* "

Wala akong naramdaman kilig habang binabasa ko yung text niya.

"Good morning, I love you too. Ingat ka din."

Lumipas ang maghapon at hindi ko pa din siya tinetext, gusto ko kasi unti nti ng lumayo sa kanya para mawala na din yung nararamdaman niya para sa akin.

"Evan, hintayin mo ko after ng praktis namin sabay tayo umuwi, hatid kita."

"Ok sige."

Habang naglalakad kami ni Evan papunta sa bahay nila hindi ko mapigilan magkwento.

"Evan, kami na ni Kristen."

"Kailan pa? Ang daya mo talaga hindi ka nagkekwento."

"Kagabi lang."

"Nice! Congrats, bakit parang hindi ka masaya?"

"Halata ba? Naunahan niya kasi ako eh."

"Naunahan san?"

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon