Chapter 11

0 0 0
                                    

Mahigit dalawang taon din ang lumipas simula ng mangyari ang hiwalayan namin ni Kristen. Maayos naman akong naka move on dahil sa tulong ng aking mga kaibigan at mas lalo na din sa tulong ni Evan.

Simula ng maghiwalay kami ni Kristen ay si Evan na ang pinagtuunan ko ng pansin. Di ko akalain na ang dati kong astigin na bestfriend ay pusong babae din pala.

Mag iisang taon na ang relasyon namin ni Evan nung una inaamin ko na hindi ko talaga sya ganun kamahal pero hindi sya mahirap mahalin dahil napakabuti nyang tao. Naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin pareho na kaming nasa 3rd yr college. Magkaiba naman kami ng school ay madalas naman ang aming pagkikita dahil sa di kalayuan naman sya nag aaral.

At eto ako ngayon nasa tapat ng gate ng San Beda College sa Manila hinihintay ko lumabas ang pinaka magandang babae sa buhay ko.

"Ang tagal mo naman. Di mo ba alam na hindi ako pwedeng pinaghihintay lalo na madaming tao dito? Paano na lang kung dumugin ako ng mga kababaihan edi nagselos ka na naman?"  Pabirong sabi ko.

"Grabe ibang level talaga yung self confidence mo kaya naman labs na labs kita e." Nakangiting sagot ni Evan

"Pero kahit ganun hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Ikaw lang walang iba." Seryosong sabi ko at bigla ko syang inakbayan

"Aba dapat lang! Ang swerte mo kaya sakin. Ako lang ang nagtiyaga sayo ng ganito nuh! Ang kupad kupad mo kasi pumorma tapos hanap ka pa ng hanap e matagal lang naman akong naghihintay sayo." Evan

"Sabi na e. Nuon pa lang pinagnanasaan mo na ko e." Sabi ko sabay kindat

Halata naman kinikilig sya sa mga sinabi ko paano ba naman namumula na sya kaya kahit hindi nya aminin ay alam ko.

Ganito lang kami lagi kuntento na kami sa bawat isa basta kasama lang namin ang isa't isa ay masaya na kami.

Nang malapit na kami sa aking sasakyan ay agad ko syang pinagbuksan ng pinto at mabilis na pinaandar ang sasakyan dahil pareho na namin hindi matiis ang gutom.

Pagkatapos namin kumain ay nagpunta na kami sa aming paboritong tambayan kung san kami hinihintay ng iba pa naming kaibigan.

"Oy kamusta naman ang lovers ha?" Tuksong bati samin ni Vince

"Heh! Wag ka nga inggit ka lang dahil wala kang girlfriend." Ganting tukso naman ni Evan

"Oops! Tama na yan minsan na nga lang tayo magkita kita magpipikunan pa kayong dalawa." Awat sakanila ni Enzo

"Drix alam na ba yung balita?" Tanong sakin ni Chester

"Ha? Anong balita?" Takang tanong ko

Hinila ako nila Chester papalapit sakanila yung tipong hindi dapat maring ni Evan ang kahit anong paguusapan namin. Sabay akbay nilang tatlo sakin at bulong na:

"Si Kristen nasa Mapua!" Bulong ni Chester sakin

Hindi pa din ako makapaniwala sa narinig ko kaya naman inulit ni Vince at ang matindi pa dun ay isinigaw nya pa.

"SI KRISTEN NASA MAPUA!!" Sigaw ni Vince

Agad naman namin syang tinignan ng masama. At paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko ang mukha ni Evan na tila nalungkot sa narinig.

"Ah baka napadaan lang sya dun o kaya may pinuntahan lang." Agad kong sinabi

"Di e nakita ko sya sa loob ng school at classmate nya pa yung kapatid ko sa isang subject." Sabi ni Vince

Eto talagang si Vince kahit kelan ay ubod ng daldal hindi makuha sa isang tingin at senyasan.

"Ano ng gagawin mo?" Seryosong tanong ni Evan

Sa totoo lang hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa nabalitaan ko dahil sa tagal ko ng walang balita sa IMAGINARY EX-GIRLFRIEND ko. Mahal ko pa din sya pero alam kong mali dahil may Evan na ko ngayon pero hindi ko pa din maiwasang isipin pag nagkita kami kung mahal nya pa din ba ko umaasa akong oo pero naiisip ko si Evan at ayokong maranasan nya ang mga sakit na naranasan ko noon.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon