Chapter 9*

6 0 0
                                    

Pag gising ko ay namalayan kong puro puti na lang ang nakikita ko sa paligid. May nakita akong babaeng nakaputi at isang matandang lalaki pero hindi naman sya kamuka ni San pedro at di katulad ng sabi nila na si San pedro daw ay may laging may hawak na manok kahit hindi naman daw ito magsasabong.

"Ale nasa langit na ba ako?" Agad kong tanong

Nang hindi sumagot ang babae ay binalingan ko naman ng pansin ang lalaking nakaputi.

"Mama kayo po ba si San pedro?"

Pero wala pa din ni isa sakanila nag sumagot sa mga tanong ko. Maya maya lang ay may narinig akong mga tawanan at pag tingin ko laking gulat ko ng makita ko ang mga kaibigan na kasama ko kani kanina lang.

"Hahaha! Sira ka talaga Drix mamamatay ka na lang nagawa mo pang magbiro! Iba ka!" Chester

Bigla naman syang hinampas ng babaeng katabi nito at si Evan pala yun.

"Ikaw talaga Chester kung wala kang masasabing di maganda manahimik ka na nga lanh kita mo na ngang naaksidente si Drix e!" Galit na sabi ni Evan

"Uyyy! Si Evan nagdadalaga na mukhang inlove!" Tuksong sabi ni Vince

"Ano bang nangyari? Ang naalala ko nag mamaneho ako pauwi tapos pag gising ko nandito na ko." Tanong ko sakanila

"Wala ka bang naalala? Wag mo sabihin na may amnesia ka pre! Tsk lagot!" Enzo

"Baliw! Nakakaalala ako! Nagulat lang ako ang alam ko sa bahay ako uuwi at pag gising ko nandito na ko." Ako

Tatayo sana ako ng biglang may naramdaman akong kirot sa may bandang ulo ko at ng hinawakan ko ay may nakapa akong bendang nakapalibot dito.

"Naaksidente ka. Sumemplang yung motor mo. Drive ka pa kasi ng lasing e tigas ng ulo mo mabuti na lang at may nakakita sayo at agad kang dinala dito dahil kung hindi ay malamang hindi ka na namin dito bibisitahin sa dami ng dugong nawala sayo." Halatang galit pero may pag aalalang sabi ni Evan

"Hala! Lagot ka kay manang Evan." Vince

Ngayon alam ko na nasa Hospital pala ako at yung mga nakitang kong nakaputi kanina ay ang doctor at nurse na nag asikaso sakin.

"Si Kristen alam na ba nya yung nangyari sakin? Baka nag aalala yun hindi ko sya natext at natawagan kagabi. Lagot na naman ako dun." Pag aalang sabi ko

Bigla naman silang nagtinginan at nakita kong naging malungkot ang kanilang naging reaksyon.

"Pre sinubukan namin syang tawagan at itext para ipaalam yung nangyari sayo kaso wala e wala syang reply kahit isa." Malungkot na sabi ni Enzo

"Pwede ba Drix for once naman isipin mo yang sarili mo hindi yung puro ka na lang Kristen! Tignan mo nga yang sarili mo naglalasing ka dahil sakanya at ang malala pa naaksidente ka ng dahil sa kanya! Wala naman syang pakialam sayo e!" Evan

Nagulat kaming lahat sa naging reaksyon ni Evan hindi namin alam kung san lahat nang galing ang lakas ng loob nyang sabihin yun.

"Wala naman syang kasalanan sa nangyari sakin ako ang may kasalanan hindi ako nag ingat matigas ulo ko nag drive pa din ako kahit alam ko na nakainom ako." Pilit ko pa din pinagtatanggol si Kristen

"Isipin mo nga pre sino ba ang dahilan kung bakit ka uminom ng madami? Halos ubusin mo nga yung alak na binili namin kagabi di ka man lang nagtira bigla ka na lang umalis. Eat and run ang drama mo e." Pabirong sabi ni Vince

Bigla akong natigilan at di ko namalayan bigla na lang may mga luhang umaagos mula sa aking mga mata. Sh*t! Ang bading ko talaga bakit ako umiiyak? Eto din yung naramdaman ko nung iwan ako ni Ezra.

"Sila mama alam na ba nila ang nangyari sakin?" Pag iiba ko ng usapan.

Baka sakali sila nagaala.

"Nandito sila tita kanina umuwi lang saglit at kukuha daw ng gamit at bibili ng pagkain pero pabalik na din siguro yun." Enzo

"Pre magpagaling ka ah miss ka na namin yaan mo pag nakalabas ka mambabae tayo madami namang iba dyan ipapakita natin sa IMAGINARY GIRLFRIEND mo na yakang yaka mo sya palitan!" Chester

"Kayo talaga tinuturuan nyo pang mambabae yan si Drix!" Evan

"Uy! May nagseselos ata mukang may kapalit na agad si IMAGINARY GIRLFRIEND ah!" Enzo

Nabalot ng malalakas na tawanan ang aking kwarto dahil sa mga kalokohan ng aking mga kaibigan. Salamat na lang talaga at lagi silang nandyan.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon