Chapter 13

0 0 0
                                    

Maagang natapos yung klase ko dahil may exam lang naman namin ngayon kaya napagisipan kong sunduin si Evan at eto kami ngayon magkasama pero hindi nagpapansinan.

Nasa loob kami ng sasakyan ko at ihahatid ko na sya pauwi dahil masama daw ang pakiramdam nya kaya agad ko naman hinawakan ang noo nya kung mainit sya at totoo nga may sinat sya kaya hindi ko na sya kinulit kahit na alam kong may malalim syang iniisip.

Hanggang sa kusa na din sya nagsalita at sinabi nya ang kanina pang gumugulo sa kanyang isipan.

"Schoolmate mo daw si Kristen." Malungkot nyang panimula ng usapan

"Sino nagsabi?" Tanong ko

"Sa iisang school lang kayo nag aaral nila Vincent at kaibigan ko din sila kaya paanong hindi ko malalaman?" Sumbat niya

"Sabagay." Malumanay na sagot ko

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong nya

"Bakit ko kailangan sabihin? Hindi naman importante yun." Sagot ko habang nakatingin ng diretso sa kalsada habang nag didrive

"Paalala ko lang sayo Drix baka lang naman nakakalimutan mo girlfriend mo ko at ex girlfriend mo si Kristen." Evan

"Katulad nga ng sabi mo EX girlfriend ko na sya at ikaw na ang girlfriend ko kaya wala ka dapat ikabahala dun." Nakatingin ako sakanya ng diretso para ipakita ko na sincere ako sa mga sinasabi ko

"Pero mahal mo pa sya." Halata ang panginginig ng boses sa sagot nya

"Hindi ko na sya mahal." Maikli kong sagot

"Sana nga at umaasa akong totoo ang lahat ng sinabi mo yan lang ang panghahawakan ko sa ngayon magtitiwala ako dahil mahal kita Drix mahal na mahal." Evan

Hinawakan ko ang kanyang kamay para maramdaman nya na seryoso ako sa lahat ng aking mga sinasabi at para maramdaman nya na kahit kailan ay kanya lang ako at hindi maagaw ng kahit sino dahil sya lang ang mahal ko sa ngayon.

"Mahal din kita wag ka magalala hindi ko ipaparamdam sayo lahat ng sakit ng naramdaman ko dati." Ako

Dahil sa malayo layo pa naman ang aming byahe ay pinatulog ko muna sya para mabawas bawasan ang sama ng pakiramdam nya.

Nang maihatid ko na sya sa bahay nila ay nagpunta ako sa tambayan namin nila Vincent.

Kakatapos lang namin maglaro ng basketball ng maikwento ko sakanila ang paguusap namin ni Evan kanina habang hinahatid ko sya pauwi.

"Delikado yan Drix mukang paranoid si Evan dahil sa nabalitaan nya." Chester

"Bakit naman? Wala naman sya dapat isipin dahil sya na yung girlfriend ko ngayon." Ako

"Kasi iniisip nya mahal mo pa si Kristen hanggang ngayon." Sabat ni Enzo

Kahit na alam ko na ang kanilang mga isasagot sa mga katanungan ko ay itinatanong ko pa din sakanila para lang makasiguro lang ako na tama lahat ng mga naiisip ko.

"Pero sya na nga yung girlfriend ko ngayon kaya ibig sabihin sya na yung mahal ko." Dipensa ko sa aking sarili

"Drix hindi porke girlfriend mo ang isang tao ay mahal mo sya. Nakakalimutan mo na ba yung mga babaeng pinaiyak mo matapos ng relasyon mo kay Ezra? Di ba ang sabi mo hindi mo sila mahal kaya mo sila iniwan at girlfriends mo sila ng mga panahon na yun." Chester

Sa sinabing iyon ni Chester ay napaisip ako ng malamim dahil hindi porke may relasyon kayo ay mahal nyo na ang isa't isa. Minsan ay nadadala lang tayo sa pabigla bigla nating damdamin. Katulad na lang ng mga nangyari sa mga ex girlfriends ko hindi ko sila mahal at kaya ko lang sila niligawan para makalimutan si Ezra.

Natutulala ako sa sinabing iyon ni Chester. Nang muling magtanong si Vince. Shyet nasa hot seat ata ako ng mga tropa ko. Pinagpapawisan na ko ng malamig dahil hindi ko alam kung kaya kong tanggapin sa aking sarili ang mga sagot ko sa mga katanungan nila.

"Mahal mo ba si Evan?" Seryosong tanong ni Vince

"O- oo? Siguro hindi ko alam." Sagot ko

"Ayan tayo e. Kung hindi ka pala sigurado bakit mo niligawan?" Enzo

"Hindi ko alam. Siguro kasi lagi syang nandyan hindi na sya iba sa atin." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan

"Drix ikaw na din ang may sabi hindi na iba sa atin si Evan. Kaibigan natin sya at nasaksihan namin kung paano ka nya suportahan at pahalagahan sa mga panahong kailangan mo ng karamay. Kaya sana wag mo syang saktan." Sabi ni Chester nakatingin sya sa akin ng diretso at alam kong seryoso sya sa kanyang mga sinasabi

"Hindi ko alam kung kaya kong hindi saktan si Evan." Sagot ko

"Kaya mo kung gusto mo. Sabi nga nila pag gusto may paraan pero pag ayaw may dahilan." Enzo

"Ops! Tama na yang mga drama na yan! Tara lets back to the ball game mga pre!" Vince

Agad kaming nagtayuan para bumalik sa aming paglalaro. Mabuti na lang at nasagip ako ni Vincent mula sa hot seat. Grabe mukang itatakwil ako ng tropa pag sinaktan ko si Evan sabagay si Evan nga lang naman ang prinsesa ng tropa kaya ganun na lang nila ito pahalagahan. Bakit kasi hindi ako nakinig sa bilin nila dati na wag mo syotain ang kaibigan mo kung ayaw mo masira ang samahan nyo.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon