Chapter 1

21 0 0
                                    

Physics Class:

"Drix, alam mo ba ikakakasal na yung kuya sa linggo." Sabi ni evan.

" Ah eh di maganda, magkakaron ka na ng pamangkin"

"Oo nga eh, pero ang weird ng love story nila kasi dati textmate lang niya yung girlfriend niya."

"Hindi ako naniniwala sa mga textmate, lokohan lang yan sayang pa sa pera at oras."

"Sus! Ikaw talaga gusto mo bigyan kita ng chix para naman maka move on ka na dyan sa Ezra mo."

"Hindi ganun kadali lkalimutan si Ezra lalo na mahigit 1 yr din kami at siya yung fisrt love ko."

"Huwaw! Hindi ako makapaniwala na sa isang chickboy na katulad mo nanggagaling yang mga salita na yan, kalimutan mo na yun marami dyan iba."

Physics Class namin sa sobrang boring nakipagkwentuhan na lang ako kay Evan.

Si Evan bagong classmate ko lang siya dahil lumipat kami ng bahay mula sa Cavite napadpad kami sa Muntinlupa.

4th yr HS na ko ng lumipat kami, labag man sa kalooban ko dahil mapapalayo ako kay Ezra. Pero no choice ako.

Isang mabuting classmate at kaibigan si Evan.

Bago lang kami na magkakilala pero nagkasundo agad kami kahit na babae siya, pag siya ang kausap at kasama ko hindi ako naiilang paano ba naman kasi may pagkaboyish.

Maganda siya, matangkad at matalino pero kahit kailan ay hindi ako nagkagusto sa kanya dahil tanging si Ezra lang ang laman ng puso't isipan ko.

Si Ezra ang babae na pinakamamahal ko perpekto ang tingin ko sakanya, maganda,matalino,matangkad at morena lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae ay nasakanya na.

Classmate ko siya simula 1st yr hanggang 3rd yr HS.

Sabay din kami lumaki dahil ninang ko sa binyag yung mommy niya.

Matagal ko na siyang gusto simula pa nung mga bata lang kami, halos araw araw ba naman kami magkasama eh.

2nd yr kami nung sinabi ko sakanya yung nararamdaman ko para sakanya at tinaggap naman niya yun.

Masaya ang mga magulang namin sa nagngyari dahil boto ang mga magulang ko sakanya at ganun din naman ang mga magulang niya sa akin.

Ngunit hindi nagtagal ang akala ko ay habang buhay na namain pagmamahalan.

Nakipag break sakin si Ezra dahil masyado daw ako isip bata, pero bata pa naman talaga kami ng mga panahon na yun dahil pareho lang kaming 14  yrs old ng mga panahon na yun. 

Isang araw nabalitaan ko na lang na sila na pala nung isa namin na classmate si Jake.

Matagal na pala siya pinopormahan ng mokong na yun.

Siguro yun talga yung tunay na dahilan kung bakit niya ko iniwan hinsi lang niya maamin sakin. Matagal na kami hindi nag-uusap at nagkikita simula ng lumipat kami ng bahay.

Marami na ko naging girlfriends after ng break up namin pero aminado ako hanggang ngayon siya parin yung mahal ko.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon