Chapter 14

1 0 0
                                    

Tahimik akong nakahiga sa kama paikot ikot lang hindi ako makatulog kahit na lumalalim na ang gabi. Nag iisip ako ng mga kung ano ano dahil naguguluhan ako ngayong nagbalik na naman si Kristen. Bigla ako nakaramdam ng saya dahil nagbalik ang babaeng mahal ko pero may lungkot pa din akong nararamdaman dahil alam kong makakasakit na naman ako ng damdamin.

Ayokong saktan si Evan dahil kahit kelan ay hindi nya ko nagawang saktan. Tama sila Chester si Evan lang ang hindi nagsawang mahalin ako. Kahit na masakit para sa akin ay dapat kong ipagpatuloy ang relasyon namin dahil yun ang tama kahit na alam ko si Kristen pa din ang mahal ko. Bukas na bukas ay pupuntahan ko si Evan itatama ko lahat ng pagkakamali ko pupunan ko lahat ng pagkukulang ko sakanya.

Kinabukasan ay agad kong pinuntahan si Evan sakanila para ipakita at iparamdam sa kanya na hindi ako mawawala at hindi ko sya iiwan.

"Goodmorning po tita, si Evan po?" Tanong ko sa mama niya agad naman ako nagmano para magbigay galang

Yung pamilya ni Evan matagal na nila akong kilala kaya naman parang pamilya na din ang turing nila sakin. Ang swerte ko talaga ang swerte ko talaga sa babaeng pinili kong mahalin.

"Goodmorning din, ang dami mo yatang dala ah. Maupo ka muna at tatawagin ko. Nakapag almusal ka na ba?" Masayang bati sakin ni Tita April

"Ah opo nakapag almusal na ko. Si mama po kasi ang daming pinadala nung nalaman nadadalaw ako dito." Sagot ko

"Nagabala pa si kumare nakakahiya naman. Maupo ka muna." Tita April

"Ok lang po yun si mama naman po ang nagpumilit. Salamat po hintayin ko na lang po sya." Ako

Maya maya pa ay may naririnig na akong yapak ng paa pababa ng hagdan at hindi pa nagtagal ay nakita ko na ang magandang mukha ni Evan.

Tumayo ako agad para salubungin siya ng halik sa pisngi. Ang bango bango niya kahit alam kong wala pa syang ligo dahil mukhang bagong gising lamang.

"Ang aga mo yata anong meron? Sa pagkaka alam ko next week pa ang anniversary natin ah." Evan

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo uuwi na lang ako." Malungkot na sabi ko

"Asus! If I know nag iinarte ka na naman. Nagulat lang ako ang aga mo kasi di ka man lang nagtext o tumawag para nakapaghanda kami." Agad naman niya akong niyakap pagkasabi niya

"Namiss lang kita at alam mo naman ako kung ano maisipan ko ginagawa ko agad." Yakap yakap ko sya habang naguusap kaming dalawa

"Kung namiss mo nga ako amoy mo kili kili ko? Dali na." Sabay pa cute nya pa

"Ayaw di ka pa naliligo mabaho yan." Sabay layo ko sakanya

"Hmp! Daya di wag! Wag ka lalapit sakin ah!" Pagmamaktol na sabi nya

Hay tong babaeng to talaga mas lalong nagpapacute mas gumaganda hindi ko tuloy matiis.

"Sige na nga akin na pa amoy!" Sigaw ko sakanya

"Goodboy." Nakangiti sya habang papalapit sakin taas taas ang dalawang kamay

Lumapit ako para gawin ang pinapagawa niya. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa lips matapos kong gawin iyon mabilis lang naman pero ramdam ko ang pagdampi ng malambot nyang mga labi sa labi ko.

Natapos ang buong araw na magkasama kami. Masaya akong umuwi sa bahay dahil alam kong napasaya ko si Evan. Alam ko naman na basta makita at makasama niya ako ay masaya na siya yun kasi ang madalas niyang sinasabi.

Pagkauwi ko sa bahay ay tinawagan ko siya agad. Ewan ko parang namiss ko ata siya agad ang sarap kasi pakinggan ng mga tawa niya kanina habang magkasama kami.

"Van, nakauwi na ko." Sabi ko sakanya

"Mabuti naman kumain ka na ah wag ka magpagutom." Evan

"Sige ikaw din." Ako

"I love you see you tomorrow mwah!" Evan

"I love you too." Ako

Ayun lang at binaba ko na ang tawag ng may nagtext pero hindi naka register ang number sa phone ko.

"See you at the gym tomorrow exactly 3pm. We need to talk. I have something to tell you." Unkown number

Di ko alam pero may hinala na ko kung sino ang nagtext. Matapos ang hiwalayan namin nuon ay hindi ko nagawang magpalit ng number dahil patuloy pa din akong umaasa na babalik sya. Kung dati ay pilit ko pa din syang kinakamusta sa pamamagitan ng text at tawag ngunit wala naman akong nakuhang reply. Nalaman ko na nga lang na nagpalit na sya ng number para tuluyan ng makalimot.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon