Chapter 10

8 0 0
                                    

August 2009

Nandito ako ngayon sa labas na ng school nila Kristen susunduin ko na sya para wala ng kawala. Maaga din ako dumating isang oras bago ang uwian nila ay eto surprise na talaga di ko sya tetext at tatawagan para wala na din syang lusot.

Alam ko na corny pero may dala akong flowers at dinala ko na din lahat ng regalong naipon ko sa paglipas ng panahon. Dahil kakagaling ko nga lang sa aksidente na hindi man lang alam ni Kristen ay hindi na motor ang dala ko kotse na para naman apat na ang gulong at hindi na ko ma out of balance.

Narinig kong tumunog yung bell hudyat na ng uwian nila. Agad naman akong lumabas nh kotse at nag abang sa may tapat ng gate ng school ng laking gulat ko may kasamang lalaki si Kristen at hindi lang basta kasama kaakbay pa!

"Hi ten!" Bati ko sabay abot ng flowers

Halatang nagulat sya ng makita ako.

"Bakit ka nandito? Bakit di ka man lang nagsabi?" Takang tanong nya

"Para mas surprise para wala ka ng kawala. Miss na kasi kita sobra." Nakangiting sabi ko

Bigla naman sumabat yung mukang ugat na este patpating lalaki na nakaakbay sakanya.

"Ten sino sya?" Sabi ng lalaking mukang tuko

"Ah e si Drix, KAIBIGAN ko." Ten

Ako ata ang na surprise sa sinabi nya. KAIBIGAN lang ang pakilala nya sakin saklap!

"Ah mawalang galang na lang pre ah may lakad pa kasi kami ni Ten kaya kung pwede lang mauna na kami sayo." Sabi ni tuko

"Ah Drix si Kevin nga pala classmate ko." Ten

Sh*t bakit walang pumapasok sa isip ko? Hindi ako makapagsalita dahil sa epekto pa din ng sinabi ni Ten kanina.

Bumalik lang ang ako sa aking sarili ng may tumapik sa balikat ko.

"Ge pre una na kami, may date pa kasi kami." Kevin

DATE talaga! Di ako makagalaw parang gusto ko syang suntukin at sabihin na girlfriend ko yang kasama mo pero hindi ko magawa.

Paglingon ko wala na sila nakalayo na at eto na naman ako sawi. Pagdaan ko sa basurahan malapit sa waiting shed nakita ko dun yung flowers at mga regalong binigay ko sakanya kani kanina lang. Nagmamadali akong umalis kailangan ko ng makakausap yung matinong kausap. Kaya naman namalayan ko na lang na tinatahak ko ang daan papunta kila Evan sa mga panahong ganito alam kong sya lang ang makakausap ko ng maayos.

"Oh anong meron napadpad ka yata dito?" Evan

"Nakita ko sya pero hindi kami nakapagusap ng maayos." Ako

"Huh? Pinagsasabi mo? Ok ka lang ba?" Takang tanong nya

"Si Kristen" Matipid kong sagot

"Si Kristen na naman. Anong nangyari? Ok na ba kayo?" Galit na sabi nya

Naikwento ko lahat kay Evan lahat ng nangyari samin ni Kristen kanina.

"Ano ng balak mo?" Seryosong tanong nya

"Di ko alam. Kailangan ko syang makausap pero hindi ko alam kung paano." Sagot ko

"Kailangan nyo talagang magusap dahil hindi biro yang pinagdadaanan mo" Evan

Eto na naman ako umiiyak na naman at ang masaklap pa sa harap ng isang babae nakakahiya talaga! Pansin ko na lang na bigla na lang may yumakap sakin at pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.

"Sssshh. Wag kang umiyak baka mamaga yang mga mata mo maliit na nga baka lalo pang lumiit at di ka na makadilat." Pabirong sabi nya

"Salamat. Mabuti na lang at lagi kang nandyan di mo ko iniiwan kahit nung kay Ezra ako may problema ngayon naman si Kristen na nandito ka pa din handang dumamay sa mga kaartehan ko."

"Hindi ako mamawala di kita iiwan kahit kelan promise."

Ilang linggo ang lumipas at sa wakas pumayag na din na makipagkita at makipag usap sakin si Kristen

Eto kami ngayon nasa paborito nyang restaurant naguusap parehong walang gustong magsalita kaya naman nilakasan ko na yung loob ko.

"Hi?" Bati ko

"Sorry Drix di ko sinasadya." Malungkot na sabi nya

Alam ko na ang ibig nyang sabihin at tanggap ko na naman ang tanging gusto ko lang ay magkaroon kami ng closure.

"Ok lang naiintindihan ko. Kasalanan ko naman e nawalan ako ng time sayo."

Ngumiti ako ng pilit kahit na nasasaktan ako wala ng luha naubos na ng mga nagdaang mga araw.

"Si Kevin ba?" Tanong ko

Di agad sya nakasagot. Mukang tama nga ako. Pero kahit na alam kong masakit gusto ko pa din sya umamin.

"Oo? Sya kasi yung laging nandyan nung mga panahong busy ka." Sagot nya

"Sorry."

Yun lang ang nasabi ko kahit na ang dami kong gustong isumbat sa kanya pero wala na kong karapatan at alam kong masasaktan lang sya.

"Masaya ka ba sakanya?" Tanong ko

"Oo naibigay nya lahat sakin lahat ng hindi mo nagawa ng mga panahong tayo pa." Ten

"Minahal mo ba ko?" Ako

"Oo sobrang mahal kita at aaminin ko hanggang ngayon nandito ka pa din sa puso ko." Ten

"Kung mahal mo pa ko bakit bigla kang umiwas?" Ako

"Kasi naguguluhan na ko at kailangan kong mamimili." Ten

"At sya ang pinili mo?" Ako

"Oo." Matipid nyang sagot

"Salamat. Sobrang mahal na mahal kita alam ko kasalanan ko kaya naging ganito yung naging ending ng relationship natin. Sana lang hindi ka nya saktan. Masaya ako kung san ka magiging masaya."

Yun lang at tuluyan na kong umalis. Di ko na kayang pigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala saking mga mata.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon