Chapter 2

58 0 0
                                    

Wala na naman magawa sa school kaya naisip ko umuwi ng maaga para makapagpahinga.

Tinamad na din ako magpraktis ng basketball bahala na kung magalit si coach, basta tinatamad ako tapos!

Pagdating ko sa bahay agad akong nagpalit ng damit at nahiga.

Pumikit ako saglit at naalala ko yung sinabi ni evan noong isang araw tungkol sa textmate.

Sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Pag gising ko 6pm na, almost 3hrs din pala ako nakatulog.

Nakakagutom talaga matulog kaya kumain ako habang nanonood ng TV.

Paglipat ko ng channel nakita ko yung txtnet, doon pwede ka magpost ng number at kumuha ng textmate.

Sinubukan ko magpost ng number dahil wala naman masama kung susubukan saka 2.50 lang naman per text.

 Maya-maya marami ng nagtext, may babae,lalaki,bading,bata at matanda.

Pero isa lang yung nakakuha ng atensiyon ko si Kristen.

Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero sa lahat ng nagtext sa akin ay siya lang yung nireplyan ko.

"Hi! I'm Kristen 13 F Paranaque"

"Drix 15 M Muntinlupa"

"Ok, so san ka nag-aaral?"

"SMS, ikaw?"

"Manresa, san yun?

"Dito sa munti."

"Anong yr mo na?"

"4th yr."

"Ah ako 2nd yr. :)"

"Ok"

"Hmp! Ang sungit mo naman!"

"Hindi ah."

Hindi na siya nagreply, siguro nasungitan sa akin.

Pero hindi naman talaga ako mahilig magtext lalo na kung hindi ko kilala yung katext ko.

After 30 mins.

"Can you describe yourself?"

Bakit kaya bigla niya natanong yun? Ano kaya sasagot ko? Bahala na nga.

"Maputi,Chinito, 5'8 yung height ko ikaw?"

"Morena, Chinita, chubby, 5'2 yung height ko."

"May friendster ka?" Gusto ko siya makita kaya tinanong ko kung may friendster siya.

"Yup, ten.feliciano@yahoo.com"

"Ok, salamat i-add na lang kita."

7:30pm na, naligo muna ako tapos kumain na ulit.

Tiningnan ko yung cellphone ko, 63 new messages. Inisa isa ko pero kahit isa walang nanggaling kay Kristen. Gusto ko siya itext pero nahihiya ako kasi nasungitan ko siya at hindi ko alam kung papansinin niya pa ako. Pero bahala na.

"Hi kristen, nag dinner ka na?"

"Yup, kakatapos lang ikaw?"

"kakatapos lang din"

"Ui sige next time na lang ulit matutulog na ko maaga pa bukas sa school eh. Good night!"

"Ok good night."

Banas naman ang aga aga pa kaya para matulog, 9pm pa lang kaya.

Kung sa bagay bata pa yun kaya siguro ganun.

Wala na naman ako magawa, hindi ako makatulog dahil sa haba ng tulog ko kanina.

Tinext ko si Ezra gusto ko malaman kung kamusta na siya.

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon