Chapter 6

24 0 0
                                    

APRIL 08,2008

Huling araw ko na sa trabaho at ito na din siguro yung huling pagkikita namin nila Stoff. Pag uwi ko sa bahay may naiisip akong hindi mganda.

Dahil sa araw araw ko kasama si Monica nahulog na ang loob ko sa kanya.

Gusto ko na siya, liligawan ko siya pero paano ko siya liligawan kung kami pa rin ni Ten.

Makikipag hiwalay ako sa kanya kahit na walang kasiguraduhan yung mangyayari sa amin ni Monica.

7:45 PM

“Pwede ba tayo magusap?”

“Sige babe tawag ka lang”

Tumawag ako sa kanila

“Hello?”

“Hello po, pwede p okay Kristen?”

“”Sino toh?”

Boses ng isang babae, medyo may katandaan na. Naisip ko agad na baka mama niya yung nakasagot kaya bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung itututloy ko pa ang mga plano ko.

“Si Drix po kaibigan niya”

“Ah sige tawagin ko lang siya”

”Babe, bakit an aga mo tumawag? May problema ba?”

Hindi ko alam kung bakit tila may kutob na siya na balak kong pakikipag hiwalay.

“Mama mo yung nakasagot kanina?”

“Oo, bakit sinungitan ka? Sorry ganun lang talaga yun”

“Hindi naman, wag ka magsorry”

“Ok, bakit ka nga pala napatawag ng maaga? Namiss mo na ba agad ako?”

“Ten, may gusto sana ako sabihin sayo”

“Ano yun?”

Nagisip ulit ako kung tama ba yung nagging desisyon ko pero iyon talaga yung gusto ko mangyari.

“Pwede ba wag muna tayo magusap?”

“Huh bakit? Anong problema? May nagawa ba ko?”

Halatang nagtataka siya sa mga sinabi ko.

“Wala naman, gusto ko lang mag isip gusto ko muna mapag isa”

“Bakit nagugulo na ba kita?”

Nagsimula ng magbago ang boses niya. Nagsisimula na siyang umiyak.

“Hindi naman pero parang wala naman kasi pupuntahan yung relasyon natin”

“So iiwan mo ko?”

“Hindi naman sa ganun parang cool off lang”

“Cool off? Ganun din yun papaasahin mo lang ako na babalik ka kahit hindi na. Dahil ba kay Monica kaya ka nagkakaganyan?”

Madalas ay naikekwento ko sa kanya si Monica at yung mga bagay na madalas naming pag usapan. Natahimik ako sa tanong niya, hindi ko alam kung aamin ba ako o hindi.

“Hindi si Monica ang dahilan, wag mo siya idamay”

"Drix, mahal na mahal kita at alam mo yan kahit na hindi pa tayo nagkikita at nagkakasama. Hindi ako papaya na iwan mo ko. Alam ko si Monica ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan dahil lagi kayo magkasama kaya nahulog ang loob mo sa kanya.”

Tama ang lahat ng sinabi niya. Mahal ko na nga yata si Monica. Pero patuloy pa din akong nag deny dahil ayokong madamay si Monica sa hiwalayan namin.

“Hindi”

“Huwag ka na mag deny, naiintindihan naman kita. Lagi akong wala sa tabi mo kaya kasalanan ko kung bakit nagmahal ka ng iba. Pero sana bigyan mo pa ako ng chance para patunayan ko sayo kung gaano kita kamahal”

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon