Chapter 15

0 0 0
                                    

Papunta na ko sa gym. Kahit na hindi ko alam ang gagawin ko ay pumunta pa din ako. Hindi ko sinabi kay Evan ang tungkol sa pagkikita namin ni Kristen dahil siguradong kung ano ano na naman ang iisipin nya.

Pagpasok na pagpasok ko ng gym ay nakita ko sya agad. Lumapit naman sya sakin at sabay yakap ng mahigpit. Yakap na ramdam na ramdam ko ang pangungulila nya sa loob ng mahigit dalawang taon namin paghihiwalay. Nagulat ako sa ginawa nya kaya naman marahan kong inalis ang mga braso nya sa pagkakayakap sakin.

"Uhm sorry." Sabi ni Kristen habang nakayuko tila nahihiya sa ginawa nya kanina

"Ok lang." Sagot ko

"Salamat at pumunta ka. May gusto lang sana akong sabihin sayo kaso pwede bang wag tayo dito magusap kasi medyo maingay." Sabi nya sabay ngiti

"Ah sige." Matipid kong sabi

Hindi ko alam ang mga sasabihin ko kinakabahan pa din ako. Namalayan ko na lang na naglalakad kami palabas ng school.

Eto kami ngayon nakaupo sa matataas na pader ng intramuros kung san tahimik at wala masyadong tao.

"Kamusta ka na?" Tanong nya

"Ok lang ikaw?" Panganga musta ko para naman mawala ang hiya na aming nararamdaman sa isa't isa

Napansin kong tila naging malungkot ang reaksyon niya.

"Wala na kami ni Kevin." Ramdam ko ang sakit na naramdaman nya ng sabihin nya iyon

Hindi ko alam ang sasabihin ko ng marinig ko iyon. Halong tuwa at lungkot naman ang naramdaman ko. Tuwa dahil muli akong nabuhayan ng pag asa at lungkot dahil kung may pag asa man ako ay alam kong hindi pwede.

"Bakit?" Ang tanging salita na nasabi ko

Nagsisimula ng pumatak ang kanyang mga luha. Gusto ko man syang yakapin at patahanin ay hindi ko magawa.

"Niloko nya ko. May girlfriend pa pala syang iba habang kami pa. Sinaktan nya ko hindi lang emosyonal kundi pa na din pisikal." At tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha

Sobrang galit ang naramdaman ko ng malaman ko iyon. Naawa naman ako para kay Kristen dahil hindi ko siya naipagtanggol ng mga panahon na iyon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa noo para maramdaman niyang ligtas sya sa kahit anong kapahamakan habang ako ay nasa kanyang tabi.

Yakap yakap ko sya ng muli na naman syang nagsalita.

"Sorry Drix, sorry." Umiiyak pa din sya

"Wag ka magsorry tulad ng sinabi ko sayo dati wala kang kasalanan ako ang nagkulang. Napabayaan kita." Sabi ko habang mas hinihigpitan ang pagkakayakap sakanya

"Sorry kasi sinaktan kita. Sorry kasi sumuko ako agad. Sorry kasi iniwan kita. Drix ibalik na lang natin yung dati pls? Mahal kita mahal pa din kita." Naramdaman ko naman mas humigpit ang yakap nya ng sinabi nya iyon

Mas lalo akong nagulat ng marinig ko iyon hindi ko inaasahan na sasabihin nya ang mga bagay na yon. Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan ang kanyang mga kamay tumingin ako sa kanyang mukha at muli ko na naman nasilayan ang kagandahan niyang taglay kahit na umiiyak.

"Mahal pa din kita hanggang ngayon kaso hindi na katulad ng dati at hindi na din natin pwede ibalik ang dating tayo dahil ayokong may masaktan." Malungkot kong sabi

"Si Evan ba?" Tanong nya

Tumango ako bilang pag sang ayon sa tanong niya.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko

"Nasabi sakin ni Art. Kapatid sya ni Vince di ba?"

"Ayoko syang saktan. Ayokong maranasan niya yung mga sakit na naranasan ko dati."

"Ayaw mo syang saktan pero mahal mo ba sya?"

"Mahal ko sya dahil lagi syang nandyan ng mga panahong iniwan nyo ko ni Ezra."

"Mahal mo pa ba ko?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto kong magsinungaling at sabihing hindi ko na sya mahal pero masasaktan sya. Pag sinabi ko naman ang totoo ay si Evan naman ang masasaktan.

"Oo mahal kita. Mahal pa din kita." Shyet di ko napigilan sorry Evan

"Akin ka na lang ulit pls? Tayo na lang ulit Drix?" Pagmamakaawa nya

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako nagsalita at mahigpit ko na lang syang niyakap.

"Hatid na kita. Baka mamaya kung ano pa sabihin sakin ng iba pag nakita ka nilang ganyan ang itsura mo." Pabiro kong sabi

"Hmp! Maganda pa din naman ako kahit ganito itsura ko di ba?" Sa wakas nakita ko na ulit syang ngumiti

"Pagisipan ko." Sagot ko nagulat na lang ako ng bigla nya ko hampasin sa likod

"Ikaw kasi pinapaiyak mo ko."

"Hindi kita pinaiyak. Kusa kang umiyak."

"Ewan ko sayo! Halika na hatid mo na nga lang ako."

"Sige."

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Malapit na kami sakanilang bahay ng bigla siyang magsalita.

"Lalayuan mo ba ko?."

"Hindi ah bakit ko naman gagawin yun?" Takang tanong ko

"Kasi baka pagbawalan ka ni Evan."

"Hindi ganun si Evan. Mabait sya lalo na pg nakilala mo sya ng lubusan."

Kung alam mo lang Kristen hindi kita kayang layuan kahit sino pa ang magsabi. Ikaw lang naman ang lumalayo at nangiiwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TextNetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon