Tula para sa aking minamahal
Mahal, kamusta ka na?
Pasensiya ka na, hindi ko alam kung saan ako magsisimula
Nais ko lang namang malaman, kung ano na ang balita sayo
Wala ka nang paramdam mula nang magkalayo tayo
Mahal, ako pa rin ba?
O baka naman sa puso mo'y may pumalit nang iba
Sabihin mo sakin hangga't maaga
Para hindi na ako magmukhang tanga pa
Patawad kung di ko man masabi sayo ang tunay na nadarama ko
Pero sana nararamdaman mo kasi natatakot ako
Natatakot ako na baka isang araw bigla na lang akong maiwan
Maiwan, at mag-isang masasaktan
Maiwan ng hindi ko man lang malaman ang dahilan
Mahirap iyon, at masakit sa kalooban
Mahal, naalala mo ba nang minsan mong itanong kung bakit ikaw ang aking nagustuhan
Kasi ikaw ay totoo, nagmahal ako sayo ng walang dahilan
Hindi naman kasi kailangan ng dahilan kapag nagmamahal ka
Ang kailangan mo lang ay maging masaya
At sayo ako sumasaya...
Sayo ko nahanap ang tunay na kasiyahan
Pero ang pagmamahal ko sayo ay walang dahilanDahil kapag nagmahal ako ng may dahilan
Magkakaroon din ako ng dahilan para ika'y iwan
At ayokong mangyari yon kaya sinagot kita ng "ewan"
Mahal..
Ngayon ko lang sasabihin sayo ito..
Ikaw lang ang minahal ko nang ganito
Sa iyo ko ito unang naramdaman eh
Sa edad ko nagtaka ako, ako na ang gulang ay katorse
Hanggang ngayon
Hindi nabago yun..
Natakot lang akong masaktan Kaya ika'y aking pansamantalang pinakawalan
Ngunit isang pangyayari ang di ko inaasahan
Naging kayo ng aking kaibigan
Masakit pero ako'y nagparaya
Bakit? Kasi sa tingin ko doon ka masaya
Sinubukan kong limutin ka
Ang taong unang iniyakan ko ng sobra
Sa paglipas ng panahon akala ko ayos na ako
Pero hindi pala, napatunay ko nung biglang pagpaparamdam mo
Bumalik lahat ng nararamdaman ko
Naitago lang pala pero ikaw pa rin pala ang gusto nito
Nitong puso kong sayo lang ata tumibok ng todo
Sumugal ulit ako...
Sabi mo kasi ako talaga ang mahal mo
Ipinaramdam mo na mahalaga ako
Pero ngayon..
Mahal, ano na nga ba tayo?
Naguguluhan na ako
Bigla na namang nagbago
Bigla na namang nag-ibaSabihin mo nga, masaya ka pa ba?
Kasi kung hindi, palalayain na kita
Masakit pero kailangan
Magsabi ka lang...
Kasi hindi ko na maintindihan
Labis na akong naguguluhan
Pero kahit sa isa't-isa ay malayo tayo
Sana...
Sana walang magbago
Ang hirap kasi
Ayoko magsisi hanggang sa huli
Ngunit...
Sabihin mo lang bibitiw na ako
Pangako, bibitiw ako kung gusto mo, mahal ko...
May pag-asa pa ba tayo o tuluyan nang lalayo
Mahirap kasing kumapit sa salitang kaya ko pa
Kung ikaw mismo...Sumuko na
Magpapaalam na nga ba tayo sa isa't-isa?
BINABASA MO ANG
101 Spoken Word Poetries
PoetryIto ay kalipunan ng mga tula o spoken words poetry -.- Works from abstract thoughts