SWP 15

36 0 0
                                    

Tinawag kong panget ang mundo
Kasi wala nang maganda kung wala ka naman sa piling ko

Maingay, magulo, ang panget ng mundo
Sa piling mo lang nagiging payapa ang aking puso
Ikaw ang nag-alis sa lahat ng pangamba
Ang siyang nagtanggal ng lumbay sa mga mata
Ang nagpakita na mundo'y masigla
Na masarap mabuhay ng masaya
Pero may mga bagay talaga na hindi ko naisip
Hindi inasahan kahit sa panaginip
Luminsan ka pero ika'y aking hinayaan
Dahil kung tunay ang pag-ibig ay hindi kailangang ilaban
Hindi nakakapagod dahil alam mong sayo laan
Isinulat ng tadhana at sayo ilinaan
Ang mundo kong muling naging mapanglaw
Napuno ng kalungkutan ang paglubot ng araw
Dumating na sa puntong wala nang dulot na saya
Ang mga patak ng ulan na dating musika sa aking tainga
Ang bahagharing makulay ay nawalan ng sigla
Naisip kong ang panget ng mundo kung wala ka
Hindi pa ba sapat
Noong ilinaban ko'ng lahat
Kahit huling sulyap man lang
Malaman lang na di nagkulang o kung saan ako nagkulang
Ang hirap..
Magpanggap na maibabalik ang lahat
Na yung dati ay pwede pang balikan
Gusto ko lang na iyong malaman
Na sa iyong paglisan
Ay may damdaming nasaktan at pusong naiwan
Gusto kong malaman mo na ikaw ay naging sapat
Kahit na ang mga ala-alang binuo natin ay tinapon mong lahat
Ang paghihirap na mula pa sa simula
Ang pangit ng mundo kung wala ka
Kaya kung ang tadhana ay pagbibigyan ako
Isa lamang ang hiling ng aking puso
Pabagaling muli natin ang ikot ng mundo
Ibalik sa simula ang lahat ng ito
Ngunit minsan sa buhay natin
May isang taong darating
Hindi upang habangbuhay na manatili
Kundi maging ating pansumandali
Isang leksyon na babaunin sa matagal na panahon
Isang akala nating tamang karanasan, sa maling pagkakataon
Ipilit man na tama
Kung di para sayo ay mawawala
Ayoko ng ganito
Tinawag kong panget ang mundo dahil kinuha nito ang tanging mahal ko

101 Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon