Ang piyesa kong ito ay para sa una kong minahal
Pero kailangan ko ding iwan
Sa takbo ng aking kabataan
Ikaw ang aking naging sandalan
Ang tanging tama sa aking buhay
At sa kwento ko'y nagkulay
Kapag may problema, ikaw ang takbuhan
Na parang ikaw ang sagot sa bawat problemang dinaraanan
Sa loob ng maraming taon, masasabi kong di ito mapapantayan
Ng kahit na ano pang kasiyahan
Sa iyo ko nailalabas ang tunay na ako
Ang mga saloobin ng aking puso
Ikaw ang aking takbuhan sa tuwing nalilimot ako ng mundo
Sa iyo lumalabas ang tunay na ako
Na kapag nasa iyo ang atensiyon ko, hindi ko kailangang magtago
Magsuot ng maskara at magpanggap na ibang tao
Sa iyo lumalabas ang aking lakas kasabay ng aking kahinaan
Hindi mo hinuhusagahan ang aking kakayahan
Ang perpekto lang...
Ang perpekto sana...
Ang perpekto sana kung hindi lang dahil sa aking nalaman
Kung hindi sana sa sakit na umusbong na lang ng biglaan
Pero pinilit kong magpakatatag
Dahil wala ng ibang bagay na makapagbabalik sa puso kong nabasag
Na lalong nadudurog dahil sa sakit
Sakit na di ko naman ginusto dahil.. bakit?
Bakit ako?
Bakit kailangang humina ng katawan ko
Masakit...
Masakit para sa akin dahil hindi na ako to..
Sobra na yung pagod na nadarama ko
Masakit para sakin na hindi ko maipasok ang bola mula sa dulong linya
Masakit na, isang palo ko pa lang sobrang panghihina na ang aking nadarama
Parang dinudurog ang puso ko
Na sa bawat angat ko ng bola o sa bawat paghabol ko, ako pa rin yung talo
Kasi hindi naman laro yung kalaban ko
Kung hindi ang kundisyon ng aking puso
Sa larong ito ko nahanap ang sarili ko
Dito rin pala mawawala ang kalahati ng pagkatao ko
Patawad kasi eto na lang ako
Dahil hindi na pwedeng ipilit
Sapagkat hindi na kakayanin ulit
Sobrang sakit na kailangan ko ring bitawan ang bagay na aking nakasanayan
Hindi dahil sa gusto ko, kung hindi dahil kailan
Dahil kahit ipilit ko ay wala nang magagawa
Hanggang dito na lang ang takbo ng ating istorya
——————————————————
A/N: Sign off na sa volleyball?
BINABASA MO ANG
101 Spoken Word Poetries
PoesiaIto ay kalipunan ng mga tula o spoken words poetry -.- Works from abstract thoughts