Ano na nga ba?
Ang sakit palang marinig mula sa bibig ng ibang tao
Na lahat ng hinala ko, lahat pala ng mga iyon ay totoo
Sabi mo noon, madami kang pangarap na gustong tuparin
Pero bakit totoo pala ang hinala ko na sa mobile legends ka ngayon nahuhumaling?
Kaya pala nawalan ka na ng oras para sa akin
Kesa baka oras mo sa paglalaro ng ML ay kulangin
Dumating ka sa puntong adik lang ang dating
Napakasakit isipin, na nang dahil sa ML na yan ay nawalan ka na ng oras
Sa pamilya, sa kaibigan, sa akin --- napakamalas
Napakamalas...
Pero bakit ganun, hindi pa rin kita makalimutan
Kahit anong aking gawin ay di ka mawala sa aking puso't isipan
Puro na lang din ikaw ang laman ng aking panaginip
Panaginip na nagdudulot ng luha at sakit
Dahil kahit sa panaginip ay di pa rin kita maabot
At yun yung bagay na dati ko nang ikinatakot
Ni ang yakapin ka ay di ko magaya
Bakit kaya?
Bakit kaya kaharap na lang kita'y parang dalawang mundo pa rin ang ating distansiya
Na kailangan ko pang lakbayin ang dagat
Sumalo ng mga sibat at magtamo ng sugat
Libutin ang mundo, suyurin ang bawat distrito
Para lamang makabalik sa piling mo
Pero bakit parang ang labo
Isa lang naman ang pangarap ko
At muli akong nananabik na makausap ka
Muli akong nananabik na masilayan ka
Na makita ang kislap sa iyong mga mata
At makita ang mga ngiting sa labi mo ay napinta
Namimiss na kita..
Di ko inaasahan na dahil sa isang laro, tayo'y magkakalayo
Na dahil sa isang laro, mayroong magbabago
At ang pagbabagong ito ang tumatak sa isip ko
Nagpawala sa mga ngiti ko at nagpaluha sa mga mata ko
Oo, aaminin ko, gusto ko nang sumuko
Pero sa tingin mo, bakit patuloy pa rin akong nandito
Kase kung mayroong isang milyong dahilan para iwan ka
Mayroon pa rin akong isang dahilan para lumaban pa
Sana lang makabalik ka pa sa akin balang araw
Sana.. bago ko maisipan ang salitang, kailangan ko nang bumitaw
Oo, mahal kita, oo, kaya kong magsakripisyo para sa ikakasaya mo
Pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa puso ko sa oras na mapagod ako
Pero sana maalala mo ako na palaging nakasuporta sayo
Yun lang masaya na ako
BINABASA MO ANG
101 Spoken Word Poetries
PuisiIto ay kalipunan ng mga tula o spoken words poetry -.- Works from abstract thoughts