Tagu-taguan
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo
Isa...
Ito na ang umpisa
Sinimulan ko nang magbilang kahit alam ko namang pwede kang mawala
Kagaya nung simula
Akala ko masaya, pero hindi pala
Natatakot mawala ka at di ko alam kung mahahanap ka pa
Dalawa...
Masarap magmahal kung hindi iiwan
Pero sa larong ito ay kailangan mo akong takbuhan
Pagtaguan at iwasan
Nakakatakot maiwan, pero mas nakakatakot mawalan
Tatlo...
Naririnig ko na ang mga yabag mo
Mga yabag na pahina ng pahina at palayo ng palayo
Alam kong sa mga oras na iyon ay malayo ka na
Malayo sa kung saan tayo nagsimula
Apat...
Alam ko namang hindi dapat
Hindi dahil sa hindi ka tapat
Nakakatakot na kasing sumugal tas mawawala lang lahat
Pero aking ginawa kahit hindi dapat
Lima...
Nasaan ka na kaya?
Oo, nagtago ka na
Dyan ka ba masaya?
Habang ako nag-iisip kung mahahanap pa ba kita
Anim...
Ako ay napahinga ng malalim
Dahil sa gitna na ating kwento'y bigla na lang nanindim
Ang mundo ko'y naging mapangalaw
Sapagkat hindi ka na maaninaw
Maaninaw na parang kahapon lang ay ubod pa nang linaw
Ngayon ako'y iyong iniwan, mag-isa at giniginaw
Pito...
Dito na ako napaisip at ang mga tanong sa utak ko ay nanggugulo
Mahahanap pa ba kita o sisimulan ko nang sumuko?
Walo...
Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kita hinayaan
Hinayaang mawala, lumayo at ako ay iyong iwan
Sa kawalan kung saan hindi ko alam kung ika'y akin pang masusumpungan
Masusumpungan at mananatili hanggang sa walang hanggan
Siyam...
Nananabik akong muli ka nang masisilayan
Ngunit sa paraang kailangan kong paghirapan
At di ko alam kung magdudulot sa iyo ng kasiyahan...
Kapag ika'y aking natagpuan
Sampu...
Iminulat ko ang aking mga mata
Mabilis na nagpalinga-linga
Hinahanap kung nasaan ka
Nananabik na ika'y muling makita
At ang larong taguan ay ipiagpatuloy nating dalawa
Nagpaikot-ikot ako sa buong paligid
Nagbabakasakaling makita kita sa gilid
At nang ika'y aking mahuli sa wakas ay labis ang tuwa mo
Hindi dahil nahuli kita, kung hindi dahil sa siya ang kasama mo na para bang walang ibang tao sa mundo
Kung hindi... kayo
Napaisip tuloy ako kung tatayain ko kayo kasi base sa nakikita ko
Hindi ako mananalo
Hindi sa larong taguan
Kung hindi sa puso mong may iba nang nilalaman
BINABASA MO ANG
101 Spoken Word Poetries
PoetryIto ay kalipunan ng mga tula o spoken words poetry -.- Works from abstract thoughts