Asimptota
Hindi ko hawak ang panahon
Hindi ko kayang ang oras ay sa atin iayon
Baka wala nang susunod na "Isa pang pagkakataon"
Sapagkat hindi na magbabalik ang lumipas na kahaponSariwa pa sa aking alaala
Kung paanong ang kwento natin ay naging isang asimptota
Ilang beses na tayong nadurog at naging luhaan
Sana sa huling luha natin ay hindi na lungkot ang dahilan
Pilit na nilabanan ang daloy ng pagkakataon
Sapagkat ikaw ang nais ko makasama haba ng panahon
Alam ko...
Alam kong parehas tayong nasasaktan
Ngunit hindi magawang lumaban
Patawad
Kung sumuko na ako at malabo nang matupad
Ang mga pangako na walang bibitaw hanggang dulo
Na hanggang sa wakas ay ikaw at ako
Ang tagal kong naghanap
Ang tagal kong nangarap
Na masumpungan kong muli ang ikaw sa buhay ko
Pasensiya
Kung napagod tayo ng sobra
Sa paglaban sa maling pagkakataon
Lumaban sa tadhanang ayaw umahon
Lumaban ka pero ako'y nag-aalangan pa
Pasensiya kung mahina ang loob ko
Hindi kita ipinaglaban sa ibang tao
Hindi ako karapat-dapat sa katulad mo
Naisip ko, kung maipaglaban kita kahit sa sarili ko
Baka kayanin natin 'to
Pero hindi, natalo ako kahit sa sarili ko
Kaya patawad kung ang pag-ibig mo ay napagod na bigla
Nagmistula kang usok na hindi ko man lang nayakap bago nawala
Bibitawan na muna kita
Sana sa susunod na habambuhay ay ikaw na ang laan
Ng tadhana na hindi ko na kailangan pang ilaban
Sapagkat gusto kong maranasan ang pag-ibig sa piling mo
Na hindi na hahadlang sa atin ang mundo
BINABASA MO ANG
101 Spoken Word Poetries
PoetryIto ay kalipunan ng mga tula o spoken words poetry -.- Works from abstract thoughts