SWP 2

428 7 1
                                    

Karahasang Kinamulatan

Ang pyesa kong ito ay para sa mga babaeng biktima ng karahasan
Sinaktan...Ngunit hindi lumaban

Namulat ako sa mundong puno ng karahasan
At di pantay na pagtingin sa mga kasarian
Mga kababaiha'y kanilang hinuhusgahan
Minamaltrato...Pinapahirapan
Tinatapak-tapakan ang kanilang karapatan
At kung ituring pa ay tila...Isang tinik sa lalamunan
Sabihin niyo nga, saan ba kami nagkamali
Para ang pananakit sa amin...Sa inyo'y ganun na lang kadali?
Sobra akong naguguluhan
Naguguluhan kung bakit...
Bakit ganun na lang...
Binubgbog, minumura, nilalait...Sinasaktan
Sinasaktan ngunit walang ginagawang paglaban
Pilay at pasa ang bakas na maiiwan
Bakit, dahil inyong napagkatuwaan at napagtripan?
Dahil walang pang-bisyo, asawa ang pag-iinitan
Sapat na ba iyong dahilan?
Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan nila itong maranasan
Pag-iyak na lang ba ang magiging kasagutan?
Dahil kahit ako'y sumigaw ay walang makakarinig
Sumigaw man ako'y walang makakaulinig
Walang ibig makinig sa nagmamakaawa kong tinig
At minsan nasasabi ko sa sarili kong, "sana ang puso ko'y tumigil na lang sa pagpintig"
Pagpintig...
Pagpintig na wala naman ng saysay
Minsan naiisip ko, "bakit nga ba ako nabuhay?"
Dahil kahit ano'ng aking gawin
Kahit ano'ng aking sabihin
Wala pa ring kwenta
Dahil para sa kanila...Ako'y tauhan lang nila
Tauhan na susunod sa utos
Na kahit na mahirap ay kailangan kong matapos
Kase wala naman akong magagawa
Sasabihin lang nila, "babae ka lang, nilalang na mahina"
Asawa lang kita, anak lang kita
Babae ka lang at kung ano-ano pa
Ano ngayon sa kanila kung nasasaktan ka na?
Wala...
Gumising ka na dahil iyan ang totoo
Na hindi sa lahat ng pagkakataon, patas sayo ang mundo
Tumayo ka na sa sariling mga paa mo
Dahil may mga taong hindi alam ang halaga mo
Wala nang saysay ang pagtulo ng mga luha mo
Ako na nagsasabi sayo
Itigil mo na to
Itigil mo na to dahil sarili mo na lang ang niloloko mo
Sa paniniwalang mangyayari pa ito
At sa pag-asang ito'y magkakatotoo
Nasaktan ka na...
Tama na...
Ilang sampal pa ba ang kailangan mong maramdaman?
Ilang suntok pa ang tatanggapin ng katawan?
Ilang beses ka pang dapat masaktan...
Bago mo ipaglaban ang sarili mo sa karahasan?
Minsan din sa buhay ko ay naranasan ko ang ganyan
Babae kasi ako kaya minamaliit nila ang aking kakayahan
Doon ka napatunayan na karahasan ang pinakamatindi kong kalaban
Madalas na biktima? babaeng walang laban
Hindi ko sinasabi ito dahil lamang sa ito ang gusto ko
Kundi dahil sa ito ang alam kong totoo
Dahil lahat ng karahasang ito...
Lahat ng ito...Naranasan ko...
Dahil biktima't testigo ako sa mga bagay na ito sa sandali ko pa lamang pananatili sa mundo.

101 Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon