"Kapag masaya na siya sa iba, bitaw na, tama na.."
Ang daling ipayo sa iba pero kapag gagawin mo na sa sarili mo ay napakahirap pala
Napakasakit pala...
Madali lang diktahan ang isipan
Pero ang puso... nahihirapan siyang pakawalan
Madali ka lang payuhan ng iba, sabihan at pagtawanan lang nila
Dahil... hindi naman sila ang nakakadama
Nang sakit ngayon masaya na siya kahit wala ka
Masakit ang makitang mayroon nang sila
Madali lang sabihin na "bitiwan mo na siya"
Dahil hindi naman sila ang masasaktan sa isiping wala na
Wala na yung taong minsang naging parte ng buhay mo
Yung taong hindi mo inakalang magpapaganda ng mundo
Hindi niya maiisip, hindi niya makikita
Ang mga pangarap mo para sa inyong dalawa
Hindi mo maisip kung paano..
Paano nga ba?
Paano ba ang mabuhay ng wala siya
Ang hirap..
Kasi siya yung kasama mong bumuo ng mga pangarap
Mga pangarap niya na dati'y para sa inyong dalawa
Na ngayo'y tinutupad na niya sa iba
Sinabi mong wag akong aalis sa buhay mo, pero asan na?
Asan ka..?
Babalik ka pa ba?
Kasi kung sa aki'y hindi ka na masaya
Sabihin mo lang, ihahatid pa kita sa kanya
At kung aalis ka..
Sana wala nang balikan pa
Kasi wala nang mas sasakit na iniwan
At babalik ka lang upang paulit-ulit akong saktan
Maawa ka naman
Hindi ganun kadaling makalimot lalo na't yung sakit patuloy kang binabalik-balikan
Nawalan na ng sigla mula noong umalis ka
Nalugmok sa kalungkutan habang ikaw ay masaya
Para akong gitarang wala sa tono
Adobo na walang toyo
Tsinelas na wala nang kapares
Dahil ang pag-alis mo'y walang senyales
Subukan ko mang balikan ang ating nakaraan
Muli rin naman itong lilisan
Dahil sa bawat saglit ay handa akong masaktan
Kahit di na ako parte ng iyong kasalukuyan
Dahil kahit umalis ka man sa buhay ko
Wala pa ring nagbabago-----------------------------------------------------------
A/N: Sorry for the typos. Pati sa previous chapters. Ngayon lang ulit nagka-time mag-publish. Yun lang ^___^
BINABASA MO ANG
101 Spoken Word Poetries
PuisiIto ay kalipunan ng mga tula o spoken words poetry -.- Works from abstract thoughts