SWP 3

342 7 0
                                    

Ang pyesa kong ito ay para sa mga katulad kong nagmahal, nasaktan at nagpakatanga..
Sa taong hindi ako masuklian ng tama..

Sa pagtingala ko sa mga bituin
Bumalik sa akin ang ilang isipin
Kasabay nito ay ang pagpatak ng luha
Luha na matagal ko nang gustong mapalaya
Pilit kong ginugunita ang sandali
Na ang aking mga labi ay mayroon pang ngiti
Ano nga ba ang nangyari sa ating dalawa?
Hayaan niyong simulan ko ang kwento na dati'y puno ng saya
Naglalakad ako sa tabi ng dalampasigan
Dinamadama ang hanging kay sarap sa pakiramdam
Pinagmamasadan ang mga bituing nagniningning sa kalangitan
Nasa ganoong pag-iisip ako ng makita kita sa di kalayuan
Ako'y iyong nilapitan at sinamahan
Napag-alaman kong ika'y bago sa bayang ito
At ang magkakilala tayo ay ikinagagalak mo
Lumipas ang mga araw na tayo'y mas lalong nagkakilala
Mas napalapit tayo sa isa't-isa
Nagising na lang ako isang araw, iba na ang aking nadarama
Ganun ka rin kaya?
Kinabahan ako na itanong ito sayo
Ngunit ng umamin ka ay labis ang tuwa ko
Sino ba naman ang hindi, di ba?
Ang taong mahal mo, mahal ka
Napahiling ako sa mga bituin na ika'y wag nang bawiin sa akin
Dahil ang bagay na iyo'y kay hirap tangggapin
Naging masaya ang ating pagsasama
Ang mga tawa mo na kay sarap sa tenga
Kislap ng mata mo na parang mga tala
At ang mga ngiti mo na kay sarap makita
Dahil ang makasama ka, sa saya ko'y wala nang tatalo pa
Kasa-kasama kita sa lahat ng pangyayari sa buhay ko
Natutuwa ako kapag nandito tayo
Sa dalampasigan kung saan unang nagtapo
Sa ilalim ng buwan
Sa liwanag ng bituin sa kalangitan
Kung saan, ngiti mo'y una kong nasilayan

Ngunit di ko akalain na ang ating pagmamahalan...Ay hahantong sa katapusan
Kahit ang totoo ay wala pa tayong nasisimulan
Iguguhit pa lamang ating kapalaran
Ngunit naputol na agad ang ating pagmamahalan
Ayy, mali..Ako lang pala ang nagmahal
Ang tagal ko pala nagpakatanga, ang tagal ko nagpakahangal
Akala ko kasi pwede tayo kahit ang totoo bawal
Nasasaktan ako mahal..
Akala ko ikaw na ang aking makakasama hanggang sa pagtanda
Pero mali na naman pala ako ng akala..
Naalala mo ba nung nagkwento ka kung ang ba talaga?
Ano ba talaga ang papel ko sa buhay mong ngayo'y masaya na?
Masaya na sa piling ng iba
Bakit nga ba hindi ko nakita'ng mas mahal mo siya
Mali, mali, mali..Bakit nga ba hindi ko nakitang siya naman talaga
Ang minamahal mo mula pa nung una
Nilapitan mo lang ako para lubos siyang makilala
Ano na, ngayon nasasaktan akong mag-isa
Dahil sa sobrang pagiging tanga ko...
Nahulog ako sa maling tao
Sa maling tao na akala ko kaya rin akong mahalin ng totoo

101 Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon